Simula › Mga tanyag na talata ng Bibliya › Awit 150
Talata ng Bibliya · ULB
Awit 150
1Purihin si Yahweh. Purihin ang Diyos sa kaniyang banal na lugar; purihin siya sa matataas na kalangitan.
2Purihin siya dahil sa kaniyang dakilang mga gawain; purihin siya sa kaniyang kadakilaang walang katumbas.
3Purihin siya sa ihip ng tambuli; purihin siya gamit ang plawta at alpa.
4Purihin siya gamit ang tamburin at sayawan; purihin siya gamit ang mga instrumentong may kuwerdas at mga instrumentong hinihipan.
5Purihin siya gamit ang maiingay na pompyang; purihin siya gamit ang matitinis na pompyang.
6Purihin si Yahweh ng lahat ng may hininga. Purihin si Yahweh.
Basahin ang buong kabanata: Awit 150
Sa Ingles
Hallelujah! Praise God in His sanctuary. Praise Him in His mighty heavens. Praise Him for His mighty acts; praise Him for His excellent greatness. Praise Him with the sound of the horn; praise Him with the harp and lyre. Praise Him with tambourine and dancing; praise Him with strings and flute. Praise Him with clashing cymbals; praise Him with resounding cymbals. Let everything that has breath praise the LORD! Hallelujah!Mga kaugnay na sanggunian
Ang mga siping pinakamadalas iugnay ng mga mambabasa sa talatang ito.
Sasabihin ng aking bibig ang papuri kay Yahweh; hayaang pagpalain ng sanlibutan ang kaniyang banal na pangalan magpakailanman.Narinig ko bawat bagay na nasa langit, at sa lupa, at sa ilalim ng lupa at sa dagat — lahat ng bagay sa kanila — sinasabing: “Sa kaniya na siyang nakaupo sa trono, at sa Kordero, ay ang kapurihan, karangalan, kaluwalhatian, at kapangyarihan para mamahala, magpakailan pa man.Bigyang papuri si Yahweh lahat ng kanyang mga nilalang, sa lahat ng mga lugar kung saan siya naghahari. Pupurihin ko si Yahweh nang buong buhay ko.Yahweh, ang lahat ng iyong nilikha ay magpapasalamat sa iyo; silang matatapat sa iyo ay pagpapalain ka.Purihin si Yahweh mula sa mundo, kayong mga hayop sa lahat ng karagatan, apoy at yelo, nyebe at mga ulap, malakas na hangin, sa pagtupad ng kaniyang salita, mga bundok at mga burol, mga bungang-kahoy at lahat ng sedar, mga mabangis at maamong hayop, mga hayop na gumagapang at mga ibon, mga hari sa mundo at lahat ng bansa, mga prinsipe at lahat ng namamahala sa lupa,Purihin si Yahweh! Umawit ng bagong awit para kay Yahweh; purihin siya sa pagtitipon ng mga tapat!Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa banal na lugar at pagpalain si Yahweh.'O Panginoong Yahweh, sinimulan mong ipakita sa iyong lingkod ang iyong kadakilaan at malakas mong kamay; anong diyos ba ang nasa langit o nasa lupa ang makakagawa ng katulad ng mga ginawa mo, at katulad ng matitinding mga gawa?Mga pinagkunan: OpenBible.info, CC BY 4.0 · Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan