Simula › Mga tanyag na talata ng Bibliya › Awit 119:105
Talata ng Bibliya · ULB
Awit 119:105
Ang salita mo ay ilawan ng aking mga paa at liwanag para sa aking landas.
Basahin ang buong kabanata: Awit 119
Sa konteksto
102Hindi ako tumalikod mula sa matuwid mong mga utos dahil tinuruan mo ako.
103Napakatamis sa aking panlasa ang iyong mga salita, oo, mas matamis kaysa sa pulot sa aking bibig!
104Sa pamamagitan ng mga tagubilin mo, natamo ko ang tamang pagpapasiya; kaya nga kinapopootan ko ang bawat maling paraan.
105Ang salita mo ay ilawan ng aking mga paa at liwanag para sa aking landas.
106Nangako ako at pinagtibay ko ito, na susundin ko ang mga utos mo.
107Labis akong nasasaktan; panatilihin mo akong buhay, Yahweh, gaya ng ipinangako mo sa iyong salita.
108Pakiusap, tanggapin mo Yahweh ang kusang-loob na mga alay ng aking bibig, at ituro mo sa akin ang matuwid mong mga utos.
Sa Ingles
Mga kaugnay na sanggunian
Ang mga siping pinakamadalas iugnay ng mga mambabasa sa talatang ito.
Sapagkat ang mga utos ay isang ilawan, at ang katuruan ay isang liwanag; ang mga pagsaway ng disiplina ay ang mga daan ng buhay.O, ipadala mo ang iyong liwanag at katotohanan; hayaan mong pangunahan nila ako; hayaan mong dalhin ako sa banal mong burol at sa iyong tabernakulo.Dahil nagbibigay ka ng liwanag sa aking ilawan; si Yahweh na aking Diyos ang nagbibigay liwanag sa aking kadiliman.Nasa amin ang mga salitang ipinahayag ng mga propeta at ito ay lalong tiyak, ito ay mabuting pag-ukulan ninyo ng pansin. Ito ay tulad ng isang lampara na nagliliwanag sa madilim na lugar hanggang dumating ang umaga at ang mga bituin sa umaga ay sisikat sa inyong mga puso.nang lumiwanag ang kaniyang ilawan sa aking ulo, at nang lumakad ako sa kadilimang ginagabayan ng kaniyang liwanag.Ang mga tagubilin ni Yahweh ay matuwid, pinasasaya ang puso; ang kautusan ni Yahweh ay dalisay, nagdadala ng liwanag sa mga mata.Lahat ng mga bagay, kapag ito ay naihayag sa liwanag ay nabubunyag.Mga pinagkunan: OpenBible.info, CC BY 4.0 · Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan