Simula › Mga tanyag na talata ng Bibliya › 1 Mga Taga-Corinto 15:33
Talata ng Bibliya · ULB
1 Mga Taga-Corinto 15:33
Huwag kayong padaya: “Ang masasamang kasama ay sumisira ng mabubuting ugali.”
Basahin ang buong kabanata: 1 Mga Taga-Corinto 15
Sa konteksto
30At bakit kami ay nanganganib bawat oras?
31Mga kapatid, sa aking pagmamalaki sa inyo, na kung anong mayroon ako kay Cristo Jesus na ating Panginoon, aking ipinahahayag ito: araw araw ako ay namamatay.
32Ano ang aking pakinabang, mula sa isang makataong pananaw, kung ako ay nakikipaglaban sa mga mababangis sa Efeso, kung ang mga patay ba ay hindi na bubuhayin? “Kumain na lang tayo at uminom sapagkat kinabukasan tayo ay mamamatay.”
33Huwag kayong padaya: “Ang masasamang kasama ay sumisira ng mabubuting ugali.”
34Magpakahinahon kayo! Mamuhay ng matuwid! Huwag ng magpatuloy na magkasala. Sapagkat ang ilan sa inyo ay walang kaalaman sa Diyos. Sinasabi ko ito upang mahiya kayo.
35Ngunit may magsasabi, “Paano bubuhayin ang mga patay? At anong klaseng katawan mayroon sila sa pagparito nila?”
36Kayo ay mga mangmang! Anumang inyong itinanim ay hindi ito lalago maliban sa ito ay mamamatay.
Sa Ingles
Mga kaugnay na sanggunian
Ang mga siping pinakamadalas iugnay ng mga mambabasa sa talatang ito.
Lumakad kasama ang mga matatalinong tao at ikaw ay magiging matalino, pero ang kasamahan ng mga mangmang ay magdurusa ng kapamahakan.Sumagot si Jesus sa kanila at sinabi, “Mag-ingat kayo na walang makahikayat sa inyo na mailigaw kayo.Hindi mabuti ang inyong pagmamalaki. Hindi ba ninyo alam na mapapaalsa ang buong tinapay sa kaunting lebadura?Iwanan na ninyo ang mga kaparaanan ng kamangmangan upang kayo ay mabuhay; lumakad sa daan ng pang-unawa.Huwag hayaang may tao na manlinlang sa inyo ng mga salitang walang laman. Dahil sa mga bagay na ito ang galit ng Diyos ay darating sa mga anak ng pagsuway.Huwag magpalinlang. Hindi madadaya ang Diyos. Anuman ang itinanim ng tao, iyon din ang kaniyang aanihin.Iwasan ang usapang malaswa, na siyang nagiging daan sa higit pang kawalan ng pagkilala sa Diyos. Ang kanilang salita ay kakalat tulad ng ganggrena. Kabilang dito sina Himeneo at Fileto. Sila ang mga lalaking nalihis sa katotohanan. Sinasabi nila na ang muling pagkabuhay ay nangyari na. Ginugulo nila ang pananampalataya ng ilan.Hindi ba ninyo alam na hindi mamanahin ng mga hindi matuwid ang kaharian ng Diyos? Huwag kayong maniwala sa mga kasinungalingan. Ang mga mahahalay, mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, mga nangangalunya, mga lalaking nagbebenta ng aliw, silang mga nakikipagtalik sa kapwa lalaki,Mga pinagkunan: OpenBible.info, CC BY 4.0 · Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan