ULB · Kabanata 134 / 150
Mga Awit 134
1Halikayo, pagpalain si Yawheh, lahat kayong mga lingkod ni Yahweh, kayong mga naglilingkod sa tahanan ni Yahweh tuwing gabi.
2Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa banal na lugar at pagpalain si Yahweh.
3Nawa pagpalain kayo ni Yahweh mula sa Sion, siya na gumawa ng langit at lupa.
Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB, 2018) · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 (walang binago sa teksto; hindi kasama ang mga talababa at pamagat) · eBible.org