Bible Explorer

Simula › Ang sinasabi ng Bibliya › Papuri at pagsamba

Pananampalataya

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Papuri at pagsamba

Ang mga talatang pinakamadalas balikan ng mga mambabasa para sa paksang ito (10), sinipi nang buo mula sa Tagalog Unlocked Literal Bible.

Isa 61:3para ilagay sa lugar ang mga tumatangis sa Sion—para bigyan sila ng isang turban sa halip na mga abo, langis ng kagalakan sa halip na pagtatangis, isang balabal ng papuri kapalit ng isang espiritu ng kalungkutan, para tawagin silang mga puno ng katuwiran, ang pagtatanim ni Yahweh, para siya ay maaaring luwalhatiin.
Awit 150:6Purihin si Yahweh ng lahat ng may hininga. Purihin si Yahweh.
Heb 13:15Sa pamamagitan ni Jesus dapat patuloy tayong mag-alay ng handog na papuri sa Dios, papuri na bunga ng ating mga labi na kumikilala sa kaniyang pangalan.
Juan 4:24Ang Diyos ay isang Espiritu, at ang mga taong sasamba sa kaniya ay dapat sumamba sa espiritu at katotohanan.”
Awit 150:2Purihin siya dahil sa kaniyang dakilang mga gawain; purihin siya sa kaniyang kadakilaang walang katumbas.
Juan 4:23Subalit darating ang oras, at narito na nga, na ang mga tunay na sumasamba ay sasambahin ang Ama sa espiritu at katotohanan, dahil ang Ama ay naghahanap ng mga ganoong tao na sasamba sa kaniya.
Awit 106:1Purihin si Yahweh. Magpasalamat kay Yahweh, dahil siya ay mabuti, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.
Awit 99:3Hayaan mong purihin nila ang iyong dakila at kahanga-hangang pangalan; siya ay banal.
Awit 71:8Ang aking bibig ay mapupuno ng iyong papuri, na may karangalan mo sa buong araw.
Awit 109:30Sa pamamagitan ng aking bibig magbibigay ako ng labis na pasasalamat kay Yahweh; pupurihin ko siya sa gitna ng maraming tao.

Ito ang mga talatang madalas balikan ng mga mambabasa sa paksang ito — hindi isang aral tungkol dito. Basahin ang bawat isa sa kabanata nito.

Mga pinagkunan

Ang mga talata ng bawat paksa at ang pagkakasunod-sunod nila: datos ng mga paksa ng OpenBible.info, ayon sa boto ng mga mambabasa: OpenBible.info · CC BY 4.0

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0