Tuklasin › Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi › Sa Galilea
Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi · Sa Galilea
Umalis si Jesus upang mangaral sa ibang bayan
Mar 1:35–39 · Luc 4:42–44
Mar 1:35–3935Bumangon siya ng napaka-aga, habang madilim pa; umalis siya at pumunta sa isang lugar kung saan siya maaaring mapag-isa at nanalangin siya doon.
36Hinanap siya ni Simon at ng mga kasama niyang naroon.
37Natagpuan nila siya at sinabi sa kaniya, “Naghahanap ang lahat sa iyo.”
38Sinabi niya, “Pumunta tayo sa ibang lugar, sa mga nakapaligid na mga bayan upang makapangaral din ako doon. Iyon ang dahilan kaya ako naparito.”
39Pumunta siya sa lahat ng dako ng Galilea, nangangaral sa mga sinagoga at nagpapalayas ng mga demonyo.
Luc 4:42–4442Nang dumating ang dapit-umaga, pumunta siya sa isang tahimik na lugar. Maraming mga tao ang naghahanap sa kaniya at pumunta kung saang lugar siya naroon. Sinubukan nila na pigilan siya sa pag-alis sa kanila.
43Ngunit sinabi niya sa kanila, “Dapat ko ring ipangaral ang magandang balita tungkol sa kaharian ng Diyos sa marami pang lungsod, dahil ito ang dahilan kung bakit ako ipinadala dito.”
44At siya ay nagpatuloy na nangaral sa mga sinagoga sa buong Judea.
May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.
Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY