1Noong bumaba si Jesus mula sa burol, maraming tao ang sumunod sa kaniya.
2Masdan ito, isang lalaking may ketong ang lumapit at lumuhod sa kaniya na nagsasabi, “Panginoon, kung iyong nais, maaari mo akong gawing malinis.”
3Inabot ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya na nagsasabin, “Nais ko. Maging malinis ka.” Agad siyang nalinis sa kaniyang ketong.
4Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Huwag mo itong sabihin kahit kanino man. Humayo ka sa iyong daan at magpakita ka sa pari at ihandog mo ang kaloob na iniutos ni Moises, bilang patotoo sa kanila.”