Bible Explorer

Tuklasin › Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi › Ang Pagpapakasakit

Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi · Ang Pagpapakasakit

Getsemani

Mat 26:36–46 · Mar 14:32–42 · Luc 22:39–46

Mateo

Mat 26:36–46

36Pagkatapos, pumunta si Jesus na kasama sila sa isang lugar na tinawag na Getsemani at sinabi sa kaniyang mga alagad, “Umupo kayo dito habang ako ay pupunta doon at manalangin.”

37Sinama niya si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo at nagsimula siyang nalungkot at nabagabag.

38At sinabi niya sa kanila, “Ang kaluluwa ko ay lubha na namimighati, maging sa kamatayan. Manatili kayo dito at magbantay kasama ko.”

39Lumakad siya nga medyo malayo, at siya'y nagpatirapa, at nanalangin. Sinabi nya, “Aking Ama, kung maaari, hayaan na ang tasang ito ay lalampas sa akin. Gayunman, hindi sa nais ko kundi ayon sa nais mo.”

40Lumapit siya sa mga alagad at sila'y kaniyang nadatnang natutulog at sinabi niya kay Pedro, “Ano, hindi ba ninyo kayang magbantay kasama ko ng isang oras?

41Magbantay kayo at manalangin upang hindi kayo matukso. Ang espiritu ay nagnanais, ngunit ang laman ay mahina.”

42Umalis siya sa pangalawang pagkakataon at nanalangin, at nagsabi, “Aking Ama, kung hindi ito maaring lilipas maliban na inumin ko ito, ang kalooban mo ang magaganap.”

43At siya'y nagbalik muli at nakita silang natutulog, sapagkat mabigat na ang kanilang mga mata.

44At muli niya silang iniwan at siya'y umalis. Nanalangin siya sa ikatlong pagkakataon at sinabi ang ganoon ding mga salita.

45Pagkatapos, lumapit si Jesus sa kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila, “Natutulog pa rin ba kayo at namamahinga? Tingnan ninyo, malapit na ang oras, at ang Anak ng Tao ay ipagkanulo sa mga kamay ng mga makasalanan.

46Tumindig kayo, aalis na tayo. Tingnan ninyo, malapit na ang magkanulo sa akin.”

Marcos

Mar 14:32–42

32Dumating sila sa lugar na tinatawag na Getsemani at sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Umupo kayo dito habang ako ay nananalangin.”

33Isinama niya sina Pedro, Santiago at Juan. Nagsimula siyang mabalisa at labis na nabahala.

34Sinabi niya sa kanila, “Ang aking kaluluwa ay labis na nagdadalamhati, kahit sa kamatayan. Manatili kayo dito at magbantay.”

35Pumunta si Jesus sa di kalayuan, nagpatirapa sa lupa at nanalangin na kung maaari ay lampasan siya ng oras na ito.

36Sinabi niya, “Abba, Ama, kaya mong gawin ang lahat. Alisin mo ang tasang ito sa akin. Ngunit hindi ang aking kalooban, kundi ang iyong kalooban.”

37Bumalik siya at natagpuan silang natutulog, at sinabi niya kay Pedro, “Simon, natutulog ka ba? Hindi ka ba makapagbantay ng isang oras man lang?

38Magbantay kayo at manalangin na hindi kayo matukso. Tunay na ang espiritu ay nakahandang sumunod, ngunit mahina ang laman.”

39Muli siyang umalis at nanalangin at kaniyang sinabi ang ganoon ding mga salita.

40Muli siyang bumalik at nadatnan silang natutulog, sapagkat antok na antok sila at hindi nila alam kung ano ang kanilang sasabihin sa kaniya.

41Bumalik siya sa pangatlong pagkakataon at sinabi sa kanila, “Natutulog pa rin ba kayo at nagpapahinga? Tama na! Dumating na ang oras. Tingnan ninyo! Ang Anak ng Tao ay ipinagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan.

42Bumangon kayo, umalis na tayo. Tingnan ninyo, malapit na ang taong magkakanulo sa akin.

Lucas

Luc 22:39–46

39Pagkatapos ng hapunan, pumunta si Jesus sa Bundok ng mga Olibo gaya ng madalas niyang ginagawa, at sumunod ang mga alagad sa kaniya.

40Nang dumating sila, sinabi niya sa kanila, “Ipanalangin ninyo na hindi kayo matukso.”

41Lumayo siya sa kanila sa di-kalayuan, at lumuhod siya at nanalangin,

42sinasabi, “Ama, kung nais mo, alisin mo sa akin ang tasang ito. Gayunman, hindi ang kalooban ko, kundi ang kalooban mo ang mangyari.”

43Pagkatapos, isang anghel mula sa langit ang nagpakita sa kaniya, pinapalakas siya.

44Sa matinding paghihirap, nanalangin siya nang lalong taimtim, at ang kaniyang pawis ay naging tulad ng malalaking tulo ng dugo na nahuhulog sa lupa.

45Nang tumayo siya mula sa kaniyang pananalangin, pumunta siya sa kaniyang mga alagad, at nakita niyang natutulog ang mga ito dahil sa kanilang pagdadalamhati,

46at tinanong sila, “Bakit kayo natutulog?” Bumangon kayo at manalangin, nang hindi kayo pumasok sa tukso.”

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY