Tuklasin › Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi › Ang Pagpapakasakit
Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi · Ang Pagpapakasakit
Inihula ang pagkakaila ni Pedro
Mat 26:31–35 · Mar 14:27–31 · Luc 22:31–34 · Juan 13:36–38
Mat 26:31–3531At sinabi ni Jesus sa kanila, “Lahat kayo ay aalis ngayong gabi nang dahil sa akin, sapagkat ito ay nasusulat, 'Hahampasin ko ang pastol ng tupa at ang mga tupa ng kawan ay maikakalat.'
32Ngunit pagkatapos nang aking pagkabuhay, mauuna ako sa inyo sa Galilea.”
33Ngunit sinabi ni Pedro sa kaniya, “Kahit ang lahat ay aalis dahil sa iyo, ako ay hinding-hindi aalis.”
34Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo, sa gabing ito bago tumilaok ang tandang, ikakaila mo ako ng tatlong beses.”
35Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Kahit ako ay mamatay, hindi kita ikakaila.” At ganoon din ang sinabi ng lahat ng mga alagad.
Mar 14:27–3127Sinabi ni Jesus sa kanila, “Iiwanan ninyo akong lahat, sapagkat ito ang nasusulat, 'Papatayin ko ang pastol at magsisikalat ang mga tupa.'
28Ngunit pagkatapos kong mabuhay muli, mauuna ako sa inyo sa Galilea.”
29Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Kahit iwanan kayo ng lahat, hindi kita iiwanan.”
30Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Totoo, sinasabi ko ito sa iyo, ngayong gabi, bago tumilaok ang tandang ng dalawang beses, ipagkakaila mo ako ng tatlong beses.
31Ngunit sinabi ni Pedro, “Kung kailangan kong mamatay kasama mo, hindi kita ipagkakaila.” Ganun din ang pangako na sinabi nilang lahat.
Luc 22:31–3431Simon, Simon, mag-ingat kayo, sapagkat hinihingi kayo ni Satanas upang salain kayo tulad ng trigo.
32Ngunit ipinanalangin kita, upang hindi humina ang iyong pananampalataya. At pagkatapos mong muling manumbalik, palakasin mo ang iyong mga kapatid.”
33Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Panginoon, handa akong sumama sa iyo sa bilangguan at sa kamatayan.”
34Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo, Pedro, hindi titilaok ang tandang sa araw na ito, bago mo ikaila ng tatlong beses na kilala mo ako.”
Juan 13:36–3836Sinabi sa kaniya ni Simon Pedro, “Panginoon, saan kayo pupunta?” Sumagot si Jesus, kung saan ako pupunta, sa ngayon ay hindi kayo makakasunod, ngunit makakasunod kayo pagkatapos nito.”
37Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Panginoon, bakit hindi kita masusundan kahit ngayon? Ibibigay ko ang buhay ko para sa iyo.”
38Sumagot si Jesus, “Ibibigay mo ang buhay mo para sa akin? Tunay nga sinasabi ko sa iyo, hindi titiilaok ang tandang hanggang ikaila mo ako ng tatlong beses.
May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.
Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY