1At muling nagsalita si Jesus sa kanila ng isang talinghaga, at nagsabi,
2“Ang kaharian ng langit ay katulad sa isang hari na naghanda ng salu-salo sa kasal ng kaniyang anak na lalaki.
3Sinugo niya ang kaniyang mga utusan na tawagin ang mga naanyayahan sa salu-salo sa kasal, subalit ayaw nilang pumunta.
4At muling nagsugo ang hari ng iba pang mga utusan, na nagsabing, 'Sabihin sa mga naanyayahan, “Tingnan ninyo, naihanda ko na ang aking hapunan. Ang aking mga baka at pinatabang mga batang baka ay nakatay na, at ang lahat ay nakahanda na. Pumunta kayo sa salu-salo sa kasal.'
5Subalit binabalewala ng mga taong ito ang kaniyang paanyaya. Ang iba ay bumalik sa kanilang sariling mga bukirin, ang iba naman ay nagtungo sa mga lugar ng kanilang negosyo.
6Ang iba naman ay sinunggaban ang mga utusan ng hari, pinahiya at pinatay sila.
7Subalit nagalit ang hari. Inutusan niya ang kaniyang mga sundalo na patayin ang mga mamamatay na iyon, at sunugin ang kanilang lungsod.
8At sinabi niya sa kaniyang mga utusan, 'Ang kasal ay handa na, ngunit ang mga naanyayahan ay hindi karapat-dapat.
9Kaya pumunta kayo sa mga sangandaan at anyayahan ninyo kung gaano karaming tao ang inyong matatagpuan sa salu-salo sa kasal.'
10At ang mga utusan ay nagtungo sa mga malalaking daan at inipon ang lahat ng mga taong matagpuan nila kapwa mabuti at masama. Kaya't ang bulwagan pangkasalan ay napuno ng mga panauhin.
11Subalit nang dumating ang hari upang tingnan ang mga panauhin, nakakita siya ng tao na hindi nakasuot ng pangkasal na kasuotan.
12Sinabi ng hari sa kaniya, 'Kaibigan, paano ka nakapasok dito nang walang pangkasal na kasuotan?' At walang maisagot ang tao.
13At sinabi ng hari sa kaniyang mga utusan, 'Gapusin ang kamay at paa ng taong ito, at ihagis siya sa kadiliman sa labas, kung saan doon ay may pagtatangis at pagngangalit ng mga ngipin.'
14Sapagkat maraming tao ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili.”