15Kaya, kapag makita na ninyo ang kasuklamsuklam na kalagiman, na sinabi ng propetang si Daniel, na nakatayo na sa banal na lugar (unawain ito ng nagbabasa),
16kailangang tumakas silang mga nasa Judea patungo sa kabundukan,
17iyong nasa taas ng kanilang bahay huwag nang bumaba upang kumuha ng anumang nasa bahay,
18at iyong nasa bukid huwag nang bumalik upang kumuha ng kaniyang balabal.
19Ngunit aba sila na mga nagdadalang tao at ang mga nagpapasuso ng mga anak nila sa panahong iyon!
20Ipanalangin ninyo na ang pagtatakas ninyo ay hindi mangyari sa taglamig o sa Araw ng Pamamahinga.
21Sapagkat magkaroon ng matinding kapighatian na hindi pa nararanasan mula pa sa simula ng mundo hanggang ngayon, hindi, hindi na muling mangyayari kailanpaman.
22Maliban na lamang kung paiikliin ang mga araw na iyon, wala ni isa mang laman ang maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang, ang mga araw na iyon ay paiikliin.
23Kaya kung mayroong magsasabi sa inyo na, ''Tingnan ninyo, narito ang Cristo!' o 'Nariyan ang Cristo!' huwag ninyong paniwalaan.
24Sapagkat darating ang mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta at magpapakita ng kahanga-hangang palatandaan at kababalaghan, upang iligaw, kung maaari, maging ang mga hinirang.
25Tingnan ninyo, ipinagpauna ko ng sabihin ito sa inyo.
26Kaya kapag pagsinasabi nila sa inyo, 'Tingnan ninyo, ang Cristo ay nasa sa ilang', huwag kayong pumunta sa ilang. O, 'Tingnan ninyo, siya ay nasa loobang silid, huwag ninyong paniwalaan ito.
27Sapagkat katulad ng pagliwanag ng kidlat galing sa silangan at pagkislap nito sa kanluran, ganoon din ang pagdating ng Anak ng Tao.
28Kung saan man naroroon ang patay na hayop, doon din magtitipon ang mga buwitre.