Bible Explorer Kunin ang app

Tuklasin › Mga ruta › Tumakas si David kay Absalom

Mga ruta

Tumakas si David kay Absalom

Sa Bundok ng mga Olibo hanggang Mahanaim, at pabalik sa Gilgal · 7 hinto · ≈ 130 km sa tuwid na linya

JerusalemBahurimMahanaimGilgal10 km123456

© OpenStreetMap contributors

Mga hinto

  1. Jerusalem2 Sam 15:14Kaya sinabi ni David sa lahat ng kaniyang lingkod na kasama niya sa Jerusalem, “Tumayo at tumakas tayo, o walang isa sa atin ang makakaligtas mula kay Absalom. Maghanda para makaalis agad, o mabilis niya tayong maaabutan at magdadala siya ng kapahamakan sa atin at sasalakayin ang lungsod sa pamamagitan ng talim ng espada.”
  2. Kidron2 Sam 15:23Umiyak ng malakas ang buong bansa habang dumadaan ang lahat ng tao sa Lambak Kidron at habang tumatawid din mismo ang hari. Naglakbay ang lahat ng tao sa daan patungong ilang.
  3. Bundok ng mga Olibo2 Sam 15:30Pero umakyat si David nang nakapaa at umiiyak paakyat sa Bundok ng mga Olibo, at tinakpan niya ang kaniyang ulo. Tinakpan ng bawat isang mga taong kasama niya ang kanilang ulo at umakyat silang umiiyak habang naglalakad.
  4. Bahurim2 Sam 16:5Nang lumapit si Haring David sa Bahurim, may lumabas mula roon na isang lalaki mula sa angkan ni Saul na ang pangalan ay Simei anak ni Gera. Lumabas siyang nagmumura habang naglalakad.
  5. Mahanaim2 Sam 17:24Pagkatapos dumating si David sa Mahanaim. Samantalang si Absalom, tumawid siya sa Jordan, siya at ang lahat ng kalalakihan ng Israel na kasama niya.
  6. Gilgal2 Sam 19:15Kaya bumalik ang hari at dumating sa Jordan. At dumating ang kalalakihan ng Juda sa Gilgal para makipagkita sa hari, para samahan ang hari sa Jordan.
  7. Jerusalem2 Sam 20:3Nang dumating si David sa kaniyang palasyo sa Jerusalem, kinuha niya ang sampung asawang lingkod na iniwan niya para pangalagaan ang palasyo, at inilagay niya sila sa isang bahay na may mga bantay. Naglaan siya para sa kanilang pangangailangan, pero hindi na siya sumiping sa kanila kailanman. Kaya kinulong sila hanggang sa araw ng kanilang kamatayan, namuhay na parang sila ay mga balo.

Pinagdurugtong ng mga linya ang mga hintuan ayon sa pagkakasunod ng teksto. Kung saan sumusunod ang linya sa lupain, iyon ang malamang na daan ayon sa muling pagbuo ng isang iskolar; sa iba ay tuwid ito — hindi alam ang daan. Ang mga layo ay tuwid na guhit sa pagitan ng mga hintuan. Putol-putol: sa barko. Maputla: hindi tiyak ang lugar.

Bawat tuldok ay ang pinakamalamang na kinaroroonan; ang malabong tuldok ay nangangahulugang hindi tiyak ang pagkakakilanlan. Wala sa mapa ang mga lugar na hindi alam ang kinaroroonan.

Mga pinagkunan: OpenBible.info, CC BY 4.0 · UBS Bible Routes, Dr Leen Ritmeyer © United Bible Societies 2023, CC BY-SA 4.0 · Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan