Tuklasin › Mga lumang mapa › Ang mga lugar sa limang aklat ni Moises
Buksan ang mapa sa buong laki (3000 × 2481)Library of Congress, Geography and Map Division · pampublikong domain
Mga lumang mapa · 1826
Ang mga lugar sa limang aklat ni Moises Gumawa ng mapa: Tanner, Henry Schenck · Taon: 1826
Mula sa “Atlas ng Sinaunang Heograpiya” na inilathala ni Henry S. Tanner sa Philadelphia noong 1826 “upang ipaliwanag ang mga sulat ng mga sinaunang may-akda, kapwa sagrado at sekular”. Ang pangunahing mapa ay mula sa delta ng Nilo at Gosen, sa kabila ng ilang ng Sinai, hanggang Canaan at Siria; ipinapakita ng isang maliit na mapa “ang mga bansa sa silangan ayon sa pagbanggit ni Moises”, mula Ararat sa Armenia hanggang Babilonia at Elam.
Ang mapa sa Library of Congress
Mga lumang mapa ng Banal na Lupain, 1600–1881: Library of Congress, Geography and Map Division (pampublikong domain; nahanap ang mga numero sa Wikimedia Commons, ang mga larawan ay mula sa server ng aklatan); amin ang mga teksto
Mga sipi Gen 10:1–32 Ito ang mga kaapu-apuhan ng mga anak na lalaki ni Noe, iyon ay, sina Sem, Ham at Jafet. Nagkaanak sila ng mga lalaki pagkatapos ng baha. Ang mga anak na lalaki ni Japet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshec at Tiras. Ang mga anak na lalaki ni Gomer ay sina Askenaz, Rifat, Togarma. Ang mga anak na lalaki ni Jovan ay sina Elisha, Tarsis, Kitim at Dodanim. Mula sa mga ito humiwalay ang mga taong taga baybay-dagat at umalis papunta sa kani-kanilang mga lupain, bawat isa ay may sariling wika, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa kanilang mga bansa. Ang mga anak na lalaki ni Ham ay sina Cus, Mizraim, Put, at Canaan. Ang mga anak na lalaki ni Cus ay sina Seba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca. Ang mga anak na lalaki ni Raama ay sina Sheba at Didan. Si Cus ang naging ama ni Nimrod, ang naging kauna-unahang manlulupig sa mundo. Siya ay isang mahusay na mangangaso sa harapan ni Yahweh. Kaya ang mga ito'y sinabi, “Tulad ni Nimrod, na mahusay na mangangaso sa harapan ni Yahweh.” Ang naunang mga sentro ng kanyang kaharian ay ang Babel, Eric, Acad at Calne, sa lupain ng Sinar. Mula sa lupaing iyon siya ay pumunta sa Asiria at tinatag ang Nineve, Rehoboth Ir, Cale, at Resen, na nasa pagitan ng Nineve at Cale. Ito ay malaking lungsod. Si Mizraim ang naging ama ng mga Ludites, mga Anamites, mga Lehabites, mga Napthuhites, ng mga Pathrusites, mga Casluhites (kung kanino nagmula ang mga Filisteo), at mga Caphtorites. Si Canaan ang naging ama ni Sidon, na kanyang panganay, at ni Heth, gayundin ng mga Jebuseo, ng mga Amoreo, ng mga Gergeseo, ng mga Hivita, ng mga Araceo, ng mga Sineo, ng mga Arvadeo, ng mga Zemareo at ng mga Hamateo. Pagkatapos kumalat ang mga angkan ng mga Cananeo. Ang hangganan ng mga Cananeo ay mula sa Sidon, sa direksyon ng Gerar, hanggang sa Gaza, at habang ang isa ay patungong Sodoma, Gomorra, Adma, at Zeboim, hanggang sa Lasha. Ito ang mga anak na lalaki ni Ham, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa kanilang mga wika, sa kanilang mga lupain, at sa kanilang mga bansa. Nagkaanak din ng mga lalaki si Sem, ang nakatatandang kapatid na lalaki ni Jafet. Si Sem din ang ninuno ng lahat ng tao sa Eber. Ang mga anak na lalaki ni Sem ay sina Elam, Asshur, Arfaxad, Lud, at Aram. Ang mga anak na lalaki ni Aram ay sina Uz, Hul, Gether, at Meshec. Si Arfaxad ang naging ama ni Shela, at si Shela ang naging ama ni Eber. Si Eber ay may dalawang anak na lalaki. Ang pangalan ng isa ay Peleg, dahil sa kanyang panahon nahati ang mundo. Ang pangalan ng kanyang lalaking kapatid ay Joktan. Si Joktan ang naging ama nina Almodad, Sheleph, Hazarmavet, Jerah, Hadoram, Uzal, Diklah, Obal, Abimael, Sheba, Ofir, Havila, at Jobab. Ang lahat ng mga ito ay anak ni Joktan. Ang kanilang nasasakupan ay mula sa Mesha, hangang sa Sephar, ang bundok ng Silangan. Ito ang mga anak ni Sem, ayon sa kanilang mga angkan at sa kanilang mga wika, sa kanilang mga lupain, ayon sa kanilang mga bansa. Ito ang mga angkan ng mga anak na lalaki ni Noe, ayon sa kanilang mga tala ng angkan, ng kanilang mga bansa. Mula sa mga ito nagkahiwalay ang mga bansa at kumalat sa mundo matapos ang baha. Bil 33:1–49 Ito ang mga pagkilos ng mga tao ng Israel matapos nilang lisanin ang lupain ng Ehipto ayon sa kanilang mga armadong pangkat sa ilalim ng pamumuno ni Moises at Aaron. Isinulat ni Moises ang mga lugar mula sa pinanggalingan nila hanggang sa pinuntahan nila ayon sa inutos ni Yahweh. Ito ang kanilang mga pagkilos, mula sa paglisan tungo sa sunod na paglisan. Naglakbay sila mula sa Rameses sa unang buwan, umalis sila sa ikalabing limang araw ng unang buwan. Sa umaga matapos ang Paskua, hayagang umalis ang mga tao ng Israel sa paningin ng lahat ng mga taga-Ehipto. Nangyari ito habang inililibing ng mga taga-Ehipto ang lahat ng kanilang mga panganay, iyong mga pinatay ni Yahweh sa kanila, sapagkat nagpataw din siya ng parusa sa kanilang mga diyos. Naglakbay ang mga tao ng Israel mula sa Rameses at nagkampo sa Sucot. Naglakbay sila mula sa Succot at nagkampo sa Etam sa dulo ng ilang. Naglakbay sila mula sa Etam at bumalik sa Pi Hahirot na kasalungat ng Baal-zefon, kung saan sila nagkampo kasalungat ng Migdol. Pagkatapos, naglakbay sila mula sa kasalungat ng Pi Hahirot at dumaan sila sa gitna ng dagat tungo sa ilang. Naglakbay sila ng tatlong araw tungo sa ilang ng Etam at nagkampo sa Mara. Naglakbay sila mula sa Mara at dumating sa Elim. May labindalawang bukal at pitumpung puno ng palmera sa Elim. Doon sila nagkampo. Naglakbay sila mula sa Elim at nagkampo sa tabi ng Dagat ng mga Tambo. Naglakbay sila mula sa Dagat ng mga Tambo at nagkampo sa ilang ng Sin. Naglakbay sila mula sa ilang ng Sin at nagkampo sa Dofca. Naglakbay sila mula sa Dofca at nagkampo sa Alus. Naglakbay sila mula sa Alus at nagkampo sila sa Refidim, kung saan walang matagpuang tubig upang mainom ng mga tao. Naglakbay sila mula sa Refidim at nagkampo sa ilang ng Sinai. Naglakbay sila mula sa ilang ng Sinai at nagkampo sa Kibrot Hataava. Naglakbay sila mula sa Kibrot Hattaava at nagkampo sa Hazerot. Naglakbay sila mula sa Hazerot at nagkampo sa Ritma. Naglakbay sila mula sa Ritma at nagkampo sa Rimmon Perez. Naglakbay sila mula sa Rimmon Perez at nagkampo sa Libna. Naglakbay sila mula sa Libna at nagkampo sa Risa. Naglakbay sila mula sa Risa at nagkampo sa Cehelata. Naglakbay sila mula sa Cehelata at nagkampo sila sa Bundok ng Sefer. Naglakbay sila mula sa Bundok ng Sefer at nagkampo sa Harada. Naglakbay sila mula sa Harada at nagkampo sa Macelot. Naglakbay sila mula sa Macelot at nagkampo sa Tahat. Naglakbay sila mula sa Tahat at nagkampo sa Tera. Naglakbay sila mula sa Tera at nagkampo sa Mitca. Naglakbay sila mula sa Mitca at nagkampo sa Hasmona. Naglakbay sila mula sa Hasmona at nagkampo sa Moserot. Naglakbay sila mula sa Moserot at nagkampo sa Bene Jaakan. Naglakbay sila mula sa Bene Jaakan at nagkampo sa Hor Hagidgad. Naglakbay sila mula sa Hor Hagidgad at nagkampo sa Jotbata. Naglakbay sila mula sa Jotbata at nagkampo sa Abrona. Naglakbay sila mula sa Abrona at nagkampo sa Ezion Geber. Naglakbay sila mula sa Ezion Geber at nagkampo sa ilang ng Sin sa Kades. Naglakbay sila mula sa Kades at nagkampo sa Bundok ng Hor, sa dulo ng lupain ng Edom. Umakyat ang paring si Aaron sa Bundok Hor ayon sa utos ni Yahweh at doon namatay sa ika-apatnapung taon matapos lumabas ang mga tao ng Israel sa lupain ng Ehipto, sa ikalimang buwan, sa unang araw ng buwan. 123 taong gulang si Aaron nang mamatay siya sa Bundok Hor. Narinig ng hari ng Arad na Cananeo, na nakatira sa timugang ilang sa lupain ng Canaan ang pagdating ng mga tao ng Israel. Naglakbay sila mula sa Bundok Hor at nagkampo sa Zalmona. Naglakbay sila mula sa Zalmona at nagkampo sa Punon. Naglakbay sila mula sa Punon at nagkampo sa Obot. Naglakbay sila mula sa Obot at nagkampo sa Iye Abarim, sa hangganan ng Moab. Naglakbay sila mula sa Iye Abarim at nagkampo sa Dibon Gad. Naglakbay sila mula sa Dibon Gad at nagkampo sa Almon Diblataim. Naglakbay sila mula sa Almon Diblataim at nagkampo sa kabundukan ng Abarim, salungat ng Nebo. Naglakbay sila mula sa mga kabundukan ng Abarim at nagkampo sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico. Nagkampo sila sa tabi ng Jordan, mula Bet Jesimot hanggang Abel Siitim sa mga kapatagan ng Moab.