Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Sina Saul at David
Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Sina Saul at David
Sinakop ni David ang Jerusalem
2 Sam 5:6–10 · 1 Cro 11:4–9
2 Sam 5:6–106Pumunta ang hari at ang mga tauha niya sa Jerusalem laban sa mga Jebuseo, ang mga mamamayan ng lupain. Sinabi nila kay David, “Huwag kang babalik dito maliban kung papaalisin ka sa pamamagitan ng mga bulag at lumpo. Hindi makakapunta dito si David.”
7Gayunpaman, nasakop ni David ang kuta ng Sion, na ngayon ay lungsod na ni David.
8Sa oras na iyon sinabi ni David, 'Sinuman ang sasalakay sa mga taga-Jebus ay kailangang pumunta sa pamamagitan ng tubig at aabutin nila ang 'lumpo at bulag,' ang mga galit kay David.” kaya sinabi ng mga tao iyan, “Hindi makakapunta ang 'bulag at lumpo' sa palasyo.”
9Kaya nanirahan si David sa kuta at tinawag itong siyudad ni David. Pinatibay niya ang palibot nito, mula sa terasa patungong loob.
10Naging lubos na makapangyarihan si David dahil kay Yahweh, ang Diyos ng mga hukbo, ay kasama niya.
1 Cro 11:4–94Si David at lahat ng Israelita ay nagtungo sa Jerusalem (iyan ay Jebus). Ngayon, naroon ang mga Jebuseo, na naninirahan sa lupain na iyon.
5Sinabi ng mga naninirahan sa Jebus kay David, “Hindi ka makakapasok dito.” Ngunit tinalo ni David ang matibay na tanggulan ng Zion, iyon ay ang lungsod ni David.
6Sinabi ni David, “Sinuman ang unang lulusob sa mga Jebuseo ay magiging pinuno.” Kaya si Joab na anak ni Zuriah ang unang lumusob, kaya ginawa siyang pinuno ng hukbo.
7Pagkatapos, nagsimulang tumira si David sa matibay na tanggulan. Kaya tinawag nila itong lungsod ni David.
8Pinatibay niya ang pader ng lungsod mula sa Millo at pinalibutan niya ng pader. Pinatibay ni Joab ang natitirang bahagi ng lungsod.
9Naging dakila si David sapagkat ang makapangyarihang si Yahweh ay kasama niya.
May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.
Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY