11Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero si Hiram hari ng Tyre kay David, at mga punong sedro, karpintero, at mason. Nagtayo sila ng bahay para kay David.
12Alam ni David na itinalaga siya ni Yahweh bilang hari sa buong Israel, at sa gayon naging dakila ang kaniyang kaharian para sa kapakanan ng kaniyang bayang Israel.
13Pagkatapos nilisan ni David ang Hebron at pumunta sa Jerusalem, kumuha siya ng maraming kerida at mga asawa sa Jerusalem, at maraming mga lalaking anak at mga babaeng anak ang ipinanganak sa kaniya.
14Ito ang mga pangalan ng mga bata na ipinanganak sa kaniya sa Jerusalem: Sammua, Sobab, Natan, Solomon,
15Ibhar, Elisua, Nefeg, Jafia,
16Elisama, Eliada, at Elifelet.