34Subalit nang mapakinggan ng mga Pariseo na napatahimik ni Jesus ang mga Saduseo, nagtipuntipon sila.
35Isa sa kanila na isang abogado ay nagtanong sa kaniya ng isang katanungan, upang subukin siya—
36“Guro, alin ba ang pinakadakilang utos sa kautusan?”
37Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kinakailangang ibigin mo ang Panginoon mong Diyos, nang buong puso mo, nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-iisip mo.'
38Ito ang dakila at unang kauutusan.
39At ang pangalawang kautusan ay katulad nito— 'Kinakailangang ibigin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.'
40Dito sa dalawang mga kautusang ito nakasalalay ang buong kautusan at ang mga propeta.”