Tuklasin › Mga ruta › Ang mga paglalakbay ni Samson
Mga ruta
Ang mga paglalakbay ni Samson
Timnat, Ascalon, Gaza at ang lambak ng Sorek · 9 hinto · ≈ 300 km sa tuwid na linya
Kung sinusundan ng linya ang lupa, ito ang malamang na daan ayon sa pagbuo ng isang iskolar. Ang mga layo ay tuwid na linya sa pagitan ng mga hinto, tinatayang; ang mga araw na lakad ay mga 30 km bawat araw.
Mga hinto
- ZoraHuk 13:2
Mayroong isang lalaki na mula sa Zora, sa pamilya ng mga Danita, na ang pangalan ay Manoa. Walang kakayahang magbuntis ang kaniyang asawa kaya hindi siya magkaanak.
- TimnaHuk 14:1
Bumaba si Samson sa Timna, at doon nakita niya ang isang babae, isa sa mga dalagang babae ng mga Palestina.
- AshkelonHuk 14:19
Pagkatapos biglang pumaloob ang Espiritu ni Yahweh kay Samson na may kapangyarihan. Bumaba si Samson sa Ashkelon at pinatay niya ang tatlumpung lalaki na kabilang sa mga tao roon. Sapilitang niyang kinuha ang kanilang mga gamit, at ibinigay niya ang mga hanay ng kasuotan sa mga nakasagot sa kaniyang bugtong. Matindi ang kaniyang galit at umuwi siya sa bahay ng kaniyang ama.
- EtamHuk 15:8
Pagkatapos hiniwa niya sila ng pira-piraso, balakang at hita sa pamamagitan ng isang matinding pagpatay. Pagkatapos bumaba siya at nanirahan sa isang kuweba sa talampas ng Etam.
- LehiHuk 15:9
Pagkatapos umakyat ang mga Palestina at naghanda sila para sa pakikipaglaban sa Juda at nagtalaga ng kanilang mga hukbo sa Lehi.
- HebronHuk 16:3
Nakahiga si Samson sa kama hanggang hatinggabi. Nang hatinggabi tumayo siya at kaniyang hinawakan ang tarangkahan ng lungsod at ang dalawang poste nito. Binunot niya ang mga ito sa ilalim ng lupa, ang rehas at ang lahat, inilagay niya ang mga ito sa kaniyang mga balikat, at dinala ang mga ito paakyat sa itaas ng burol, sa harap ng Hebron.
- Lambak ng SorekHuk 16:4
Pagkatapos nito, napaibig si Samson sa isang babae na naninirahan sa lambak ng Sorek. Ang kaniyang pangalan ay Delilah.
Pinagdurugtong ng mga linya ang mga hintuan ayon sa pagkakasunod ng teksto. Kung saan sumusunod ang linya sa lupain, iyon ang malamang na daan ayon sa muling pagbuo ng isang iskolar; sa iba ay tuwid ito — hindi alam ang daan. Ang mga layo ay tuwid na guhit sa pagitan ng mga hintuan. Putol-putol: sa barko. Maputla: hindi tiyak ang lugar.
Bawat tuldok ay ang pinakamalamang na kinaroroonan; ang malabong tuldok ay nangangahulugang hindi tiyak ang pagkakakilanlan. Wala sa mapa ang mga lugar na hindi alam ang kinaroroonan.
Mga pinagkunan: OpenBible.info, CC BY 4.0 · UBS Bible Routes, Dr Leen Ritmeyer © United Bible Societies 2023, CC BY-SA 4.0 · Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan