Bible Explorer Kunin ang app

Tuklasin › Mga ruta › Ang paghabol ni Gideon

Mga ruta

Ang paghabol ni Gideon

Mula sa bukal ng Harod hanggang Sucot at Penuel · 6 hinto · ≈ 260 km sa tuwid na linya

ArnonSAMARIAAMMONHarodBeth SitaAbel MeholahSucotPenuelKarkor50 km123456

© OpenStreetMap contributors

Mga hinto

  1. HarodHuk 7:1Pagkatapos si Jerub Baal (iyon ay, si Gideon) bumangon nang maaga at lahat ng mga taong kasama niya at nagkampo sila sa tabi ng bukal ng Harod. Ang kampo ng Midian ay nasa hilaga nila sa lambak na malapit sa burol ng More.
  2. Beth SitaHuk 7:22Nang hinipan nila ang tatlong daang mga trumpeta, itinakda ni Yahweh ang espada ng bawat Midianita laban sa kaniyang kasama at laban sa lahat ng kanilang mga hukbo. Tumakbo palayo ang hukbo hanggang sa layo ng Beth Sita patungong Zerera, kasing layo ng hangganan ng Abel Meholah na malapit sa Tabata.
  3. Abel MeholahHuk 7:22Nang hinipan nila ang tatlong daang mga trumpeta, itinakda ni Yahweh ang espada ng bawat Midianita laban sa kaniyang kasama at laban sa lahat ng kanilang mga hukbo. Tumakbo palayo ang hukbo hanggang sa layo ng Beth Sita patungong Zerera, kasing layo ng hangganan ng Abel Meholah na malapit sa Tabata.
  4. SucotHuk 8:5Sinabi niya sa mga kalalakihan ng Sucot, “Pakiusap bigyan mo ng tinapay ang mga taong sumusunod sa akin, dahil sila ay pagod na pagod at tinutugis ko sina Zeba at Zalmunna, ang mga hari ng Midinanita.”
  5. PenuelHuk 8:8Umakyat siya mula roon patungong Penuel at nagsalita sa mga tao roon sa parehong paraan, pero sumagot ang mga kalalakihan ng Penuel gaya ng pagsagot ng mga kalalakihan ng Sucot sa kaniya.
  6. KarkorHuk 8:10Ngayon sina Zeba at Zalmuna ay nasa Karkor, kasama nila ang kanilang mga hukbo, mga labinlimang libong kalalakihan, lahat ng mga nanatili mula sa buong hukbo ng mga tao ng silangan. Dahil doon 120,000 ang bumagsak na kalalakihan na sinanay para lumaban gamit ang espada.

Pinagdurugtong ng mga linya ang mga hintuan ayon sa pagkakasunod ng teksto. Kung saan sumusunod ang linya sa lupain, iyon ang malamang na daan ayon sa muling pagbuo ng isang iskolar; sa iba ay tuwid ito — hindi alam ang daan. Ang mga layo ay tuwid na guhit sa pagitan ng mga hintuan. Putol-putol: sa barko. Maputla: hindi tiyak ang lugar.

Bawat tuldok ay ang pinakamalamang na kinaroroonan; ang malabong tuldok ay nangangahulugang hindi tiyak ang pagkakakilanlan. Wala sa mapa ang mga lugar na hindi alam ang kinaroroonan.

Mga pinagkunan: OpenBible.info, CC BY 4.0 · UBS Bible Routes, Dr Leen Ritmeyer © United Bible Societies 2023, CC BY-SA 4.0 · Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan