Simula › Mga kapistahan ng taon ng simbahan › Pentekostes
Mga kapistahan ng taon ng simbahan
Pentekostes
Limampung araw pagkatapos ng Pasko ng Pagkabuhay: ang pagdating ng Espiritu Santo sa mga alagad sa Jerusalem, ayon sa salaysay ng aklat ng Mga Gawa, kasama ang propesiya ni Joel na sinipi ni Pedro at ang mga salita ni Jesus sa Ebanghelyo ni Juan.
Mga petsa
| Taon | Mga simbahan sa KanluranPentecostes | Simbahang OrtodoksoPentecostes |
|---|---|---|
| 2027 | Mayo 16, 2027Linggo | Hunyo 20, 2027Linggo |
| 2028 | Hunyo 4, 2028Linggo | Hunyo 4, 2028Linggo |
| 2029 | Mayo 20, 2029Linggo | Mayo 27, 2029Linggo |
| 2030 | Hunyo 9, 2030Linggo | Hunyo 16, 2030Linggo |
| 2031 | Hunyo 1, 2031Linggo | Hunyo 1, 2031Linggo |
Binubuksan ng bawat petsa ang mga pagbasa ng araw na iyon sa kalendaryong Ortodokso o Katoliko.
Ang mga petsang Ortodokso ay ayon sa kalendaryong Juliano na sinusunod ng mga Simbahang Ruso, Serbiyo at Heorhiyano at ng Bundok Athos: ang kanilang mga di-nagagalaw na kapistahan ay 13 araw na mas huli sa sibil na kalendaryo. Ipinagdiriwang ng mga Simbahan sa bagong kalendaryo (Gresya, Romania, Bulgaria at iba pa) ang Pasko sa 25 Disyembre; halos pare-pareho ang pagbilang ng Pasko ng Pagkabuhay at ng mga araw na nakasalalay rito sa mga Simbahang Ortodokso.
Ang mga talata ng Bibliya
Mga Gawa
1Nang sumapit ang araw ng Pentecostes, lahat sila ay sama-sama sa iisang lugar. 2Bigla na lamang may tunog mula sa langit na tila humahagibis na hangin, at napuno nito ang buong bahay kung saan sila nakaupo. 3Doon ay nagpakita sa kanila ang tulad ng dilang apoy na napamahagi at dumapo sa bawat isa sa kanila. 4Napuspos silang lahat ng Banal na Espiritu at nagsimula silang magsalita sa iba't ibang wika ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu sa kanila na sabihin. 5Ngayon may mga Judiong naninirahan sa Jerusalem, mga maka-diyos na tao, galing sa bawat bansa sa ilalim ng langit. 6Nang marinig ang tunog na ito, nagpuntahan ang maraming tao at nalito sapagkat narinig nang lahat na nagsasalita sila sa kanilang sariling wika. 7Nagtaka sila at labis na namangha; sinabi nila, “Totoo ba, hindi ba at ang lahat ng mga nagsasalitang ito ay mga taga-Galilea? 8Bakit kaya naririnig natin sila, bawat isa sa ating sariling wika na ating kinalakihan? 9Mga taga- Partia, taga-Media at mga taga- Elam, at sa mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea at Capadocia, sa Ponto at sa Asya, 10sa Frigia at Panfilia, sa Egipto at sa bahagi ng Libya na malapit sa Cirene at mga panauhin mula sa Roma, 11Mga Judio at mga taong nagbago ng paniniwala, at mga taga-Creta at mga taga- Arabia, naririnig namin sila na nagsasabi ayon sa ating mga wika tungkol sa mga kamangha- manghang gawa ng Diyos.” 12Nagtaka silang lahat at naguluhan; at sinabi nila sa isa't- isa, “Ano ang ibig sabihin nito?” 13Ngunit nangutya ang iba at sinabi, “Lasing na lasing sila ng bagong alak.” 14Ngunit tumayo si Pedro kasama ang labing isa, tinaasan niya ang kaniyang boses, at sinabi sa kanila, “Mga tao ng Judea at kayong lahat na naninirahan sa Jerusalem, dapat ninyo itong malaman; pakinggan ninyong mabuti ang aking sasabihin. 15Sapagkat ang mga taong ito ay hindi lasing gaya ng inyong inaakala, sapagkat pangatlong oras pa lamang nang araw. 16Ngunit ito ang sinabi sa pamamamagitan ni propeta Joel: 17'Mangyayari ito sa mga huling araw,' sinabi ng Diyos, 'Ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao. Magpapahayag ang inyong mga anak na lalaki at mga babae, makakakita ng mga pangitain ang inyong mga kabataang lalaki, at magkakaroon ng mga panaginip ang inyong mga matatandang lalaki. 18Gayundin sa aking mga lingkod at sa aking mga lingkod na babae ibubuhos ko ang aking Espiritu sa araw na iyon, at sila ay magpapahayag. 19Magpapakita ako ng mga kamangha-manghang bagay mula sa langit at mga tanda dito sa lupa, dugo, apoy, at singaw ng usok. 20Magiging madilim ang araw at magiging dugo ang buwan, bago dumating ang dakila at hindi pangkaraniwang araw ng Panginoon. 21Iyon ay ang pagkakaligtas ng bawat isa na tatawag sa pangalan ng Panginoon.'
Joel
28At mangyayari pagkatapos, ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman, at maghahayag ng propesiya ang inyong mga anak na lalaki at babae. Mananaginip ng mga panaginip ang inyong mga matatandang lalaki, makakakita ng mga pangitain ang inyong mga kabataang lalaki. 29Gayon din sa mga utusan at babaeng utusan, ibubuhos ko ang aking Espiritu sa mga araw na iyon. 30Magpapakita ako ng mga kamangha-mangha sa kalangitan at sa lupa ng dugo, apoy at mga haligi ng usok. 31Magiging kadiliman ang araw at dugo ang buwan, bago dumating ang dakila at kakila-kilabot na araw ni Yahweh. 32Mangyayari na ang lahat ng tatawag sa pangalan ni Yahweh ay maliligtas. Sapagkat may mga makatatakas sa Bundok ng Zion at sa Jerusalem, gaya ng sinabi ni Yahweh, at sa mga makaliligtas, ang mga tinawag ni Yahweh.
Juan
37Ngayon sa huling araw, ang dakilang araw ng kapistahan, tumayo si Jesus at sumigaw na nagsasabi, “Kung sinuman ang nauuhaw, hayaan siyang lumapit sa akin at uminom. 38Kung sino ang sumampalataya sa akin, gaya ng sinabi ng kasulatan, mula sa kaniya dadaloy ang mga ilog ng tubig na buhay. 39Ngunit sinabi niya ito tungkol sa Espiritu na tatanggapin ng mga mananampalataya sa kaniya; ang Espiritu ay hindi pa naibibigay dahil si Jesus ay hindi pa nalululwalhati.
Juan
19Kinagabihan ng araw na iyon na unang araw ng linggo, at habang nakasara ang mga pintong kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot nila sa mga Judio, dumating si Jesus at tumayo sa kalagitnaan nila at sinabi sa kanila, “Sumainyo ang kapayapaan.” 20Nang sinabi niya ito, ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at kaniyang tagiliran. At nang makita ng mga alagad ang Panginoon, nagalak sila. 21At muling sinabi sa kanila ni Jesus, “Nawa ang kapayapaan ay sumainyo. Kung paano ako isinugo ng Ama, gayun din ko kayo sinusugo.” 22Nang sinabi ito ni Jesus, hiningahan niya sila, at sinabi sa kanila, “Tanggapin ninyo ang Banal na Espiritu. 23Kung kanino mang kasalanan ang inyong patatawarin, ang mga ito ay pinatatawad para sa kanila; kung kanino mang mga kasalanan ang inyong pinanatili, ang mga ito ay mananatili.”
Sa sining
PentecostesDürer · mga 1509/1510?
Ang Pagbaba ng Banal na EspirituGustave Doré · 1866
Nangangaral ang mga ApostolGustave Doré · 1866
Ang PentekostesPintor na Aleman · kalagitnaan ng ika-13 siglo
Si Cristo na Nagpakita sa mga ApostolRembrandt · 1656
Ang Pagpapakita ni Cristo sa Senakulo (Apparition du Christ au cénacle)James Tissot · 1886–1894
Iba pang kapistahan
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan