12Pagkatapos ay sinabi ni Solomon, “sinabi ni Yahweh na siya ay mamumuhay sa makapal na kadiliman,
13pero ako ay nagtayo ng matayog na tirahan, isang lugar para ikaw ay manirahan magpakailanman.”
14Pagkatapos humarap ang hari at pinagpala ang kapulungan ng Israel, habang ang kapulungan ng Israel ay nakatayo.
15Kaniyang sinabi, “Nawa si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ay mapapurihan, ang nangusap kay David, na aking ama, at nakapagtupad nito gamit ang kaniyang sariling mga kamay, na nagsabi,
16'Simula nung araw na inalis ko ang aking bayan ng Israel mula sa Ehipto, ako ay walang napiling lungsod mula sa lahat ng mga tribo ng Israel para pagtayuan ng tahanan, para ang aking ngalan ay nandoon. Ganunpaman, pinili ko si David na mamuno sa aking bayan ng Israel.'
17Ngayon nasa puso ng aking ama na si David na magtayo ng tahanan para sa ngalan ni Yahweh, ang na Diyos ng Israel.
18Pero sinabi ni Yahweh kay David na aking ama, 'ninais ng iyong puso ang gumawa ng tahanan para sa aking pangalan, mabuti na ito ay nasa iyong puso.
19Gayon pa man hindi mo itatayo ang tahanan, sa halip, ang iyong anak, ang ipapanganak mula sa iyong laman, ang magtatayo ng bahay para sa aking pangalan.'
20Tinupad ni Yahweh ang salitang kaniyang sinabi, sapagkat ako ay nagmula sa lugar ni David, na aking ama, at ako ay umupo sa trono ng Israel, gaya ng pinangako ni Yahweh. Ako ay nagtayo ng tahanan para sa ngalan ni Yahweh, na Diyos ng Israel.
21Naglaan ako ng isang lugar para sa arko doon, na kung saan naroon ang tipan ni Yahweh, na kaniyang pinangako sa ating mga ama nang kaniyang inilabas sila mula sa Ehipto.”