Bible Explorer

Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Si Solomon

Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Si Solomon

Dinala ang Kaban sa templo

1 Hari 8:1–11 · 2 Cro 5:2–14

1 Mga Hari

1 Hari 8:1–11

1Pagkatapos ay tinipon ni Solomon ang mga nakatatanda ng Israel, ang lahat ng pinuno ng mga tribo, at mga pinuno ng mga pamilya ng bansang Israel, sa harap ng kaniyang sarili sa Jerusalem, upang dalhin ang arko ng tipan ni Yahweh mula sa lungsod ni David, na ang, Zion.

2Ang lahat ng kalalakihan ng Israel ay nagtipon sa harapan ni Haring Solomon sa pista, sa buwan ng Etanim, ng ika-pitong buwan.

3Ang lahat ng nakatatanda ng Israel ay dumating, at ang mga pari ang kumuha ng arko.

4Dinala nila ang arko ni Yahweh, ang tolda ng pagpupulong, at lahat ng banal na kagamitan na nasa loob ng tolda. Ang mga pari at mga Levita ang dinala ang mga bagay na ito.

5Si Haring Solomon at lahat ng kapulungan ng Israel ay magkakasamang dumating sa harap ng arko, naghahandog ng tupa at mga baka na hindi mabilang.

6Dinala ng mga pari ang arko ng tipan ni Yahweh sa lugar nito, hanggang sa pinakaloob na silid ng tahanan, sa kabanal-banalang lugar, sa ilalim ng mga pakpak ng kerubin.

7Sapagkat inunat ng kerubin ang kanilang mga pakpak sa lugar ng arko, at tinakpan nila ang arko at ang poste na pambuhat nito.

8Ang mga poste ay sobrang haba na ang kanilang dulo ay nakita mula sa kabanal-banalang lugar sa harap ng pinakaloob na silid, pero hindi ito makikita mula sa labas. Sila ay nandoon hanggang sa araw na ito.

9Ang arko ay walang laman maliban sa dalawang tapyas na bato na nilagay ni Moises dito sa Horeb, nang gumawa si Yahweh ng tipan sa mga Israelita noong makalabas sila sa lupain ng Ehipto.

10Ito ang nangyari nang ang mga pari ay lumabas mula sa banal na lugar, napuno ng ulap ang templo ni Yahweh.

11Hindi na kayang manatili ng mga pari para maglingkod dahil sa ulap, sapagkat ang kaluwalhatian ni Yahweh ang nagpuno sa kaniyang tahanan.

2 Mga Cronica

2 Cro 5:2–14

2Pagkatapos, tinipon ni Solomon sa Jerusalem ang mga nakatatanda ng Israel, ang lahat ng mga pinuno ng mga lipi, at ang mga pinuno ng mga angkan ng mga tao sa Israel, upang kunin ang kaban ng tipan ni Yahweh mula sa lungsod ni David, ang Zion.

3Lahat ng kalalakihan ng Israel ay nagtipun-tipon sa harapan ng hari sa pagdiriwang, na ginaganap sa ikapitong buwan.

4Dumating ang lahat ng mga nakatatanda ng Israel, at binuhat ng mga Levita ang kaban.

5Dinala nila ang kaban, ang toldang tipanan at ang lahat ng banal na kasangkapan na nasa loob ng tolda. Dinala ng mga pari na kabilang sa tribu ni Levi ang mga bagay na ito.

6Si Haring Solomon at ang buong kapulungan ng Israel ay nagtipon sa harapan ng kaban, na nag-aalay ng mga tupa at mga baka na hindi mabilang.

7Dinala ng mga pari ang kaban ng tipan ni Yahweh sa lagayan nito, sa loobang silid ng tahanan, sa dakong kabanal-banalan, sa ilalim ng mga pakpak ng mga kerubin.

8Sapagkat nakabuka ang mga pakpak ng mga kerubin sa kinaroroonan ng kaban, at tinakpan ng mga ito ang kaban at ang mga pasanan nito.

9Ang mga pasanan ay napakahaba at ang mga dulo nito ay nakikita mula sa dakong banal sa harap ng silid na nasa loob, ngunit hindi nila ito nakikita mula sa labas. Naroon pa rin ang mga ito hanggang sa araw na ito.

10Walang laman ang kaban maliban sa dalawang tapyas ng bato na inilagay roon ni Moises sa Horeb noong si Yahweh ay gumawa ng kasunduan sa mga tao ng Israel nang makalabas sila sa Ehipto.

11Nangyari na ang mga pari ay lumabas mula sa dakong banal. Inilaan ng lahat ng mga paring naroon ang kanilang mga sarili kay Yahweh; pinangkat sila ayon sa kanilang pagkakabaha-bahagi.

12Maging ang mga Levitang mga mang-aawit, lahat sila, kabilang sina Asaf, Heman, Jedutun, at ang kanilang lalaking anak at ang kanilang mga kapatid na lalaki ay nakadamit ng pinong lino at tumutugtog ng mga pompiyang, mga alpa, at mga lira, na nakatayo sa silangang dulo ng altar. Kasama nila ang 120 pari na umiihip ng mga trumpeta.

13Nangyari na ang mga umiihip ng trumpeta at ang mga mang-aawit ay sama-samang gumawa ng musika, tumutugtog nang iisang tunog na maririnig para sa pagpupuri at pagpapasalamat kay Yahweh. Nilakasan nila ang kanilang mga tinig kasama ng mga trumpeta at mga pompiyang at iba pang mga instrumento, at pinuri nila si Yahweh. Umawit sila, “Sapagkat siya ay mabuti, sapagkat ang kaniyang katapatan sa kaniyang kasunduan ay nananatili magpakailanman.” At ang tahanan, na tahanan ni Yahweh ay napuno ng ulap.

14Ang mga pari ay hindi makatayo sa loob upang maglingkod dahil sa ulap, sapagkat pinuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang kaniyang tahanan.

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY