Bible Explorer

Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Mula kay Hezekias hanggang kay Josias

Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Mula kay Hezekias hanggang kay Josias

Si Amon, hari ng Juda

2 Hari 21:19–26 · 2 Cro 33:21–25

2 Mga Hari

2 Hari 21:19–26

19Dalawampu't dalawang taong gulang si Amon nang magsimula siyang maghari; naghari siya ng dalawang taon sa Jerusalem. Meshulemet ang pangalan ng kaniyang ina, na anak ni Haruz ng Jotba.

20Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, gaya ng ginawa ng kaniyang ama na si Manasses.

21Sinunod ni Amon ang lahat ng landas na tinahak ng kaniyang ama at sinamba ang mga diyus-diyosan na sinamba ng kaniyang ama, at lumuhod sa kanila.

22Iniwan niya si Yahweh, ang Diyos ng kaniyang mga ama, at hindi lumakad sa daan ni Yahweh.

23Nagbanta ang mga lingkod ni Amon laban sa kaniya at pinatay ang hari sa sarili niyang tahanan.

24Pero pinatay ng mga mamamayan ng lupain ang lahat ng nagkaisa laban kay Haring Amon, at ginawa nilang hari si Josias ang anak ng hari bilang kaniyang kapalit.

25Para sa iba pang mga bagay tungkol sa ginawa ni Amon, hindi ba nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda?

26Nilibing siya ng mga tao sa kaniyang puntod sa hardin ni Uza, at si Josias na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.

2 Mga Cronica

2 Cro 33:21–25

21Dalawampu't dalawang taon si Ammon nang siya ay nagsimulang maghari; naghari siya ng dalawang taon sa Jerusalem.

22Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, gaya ng ginawa ng kaniyang amang si Manases. Naghandog siya sa lahat ng inukit na imahe na ginawa ng kaniyang amang si Manases, at sinamba niya ang mga ito.

23Hindi siya nagpakumbaba sa harapan ni Yahweh, gaya ng ginawa ng kaniyang amang si Manases. Sa halip, lalo pang nagkasala si Ammon.

24Ang kaniyang mga lingkod ay nagsabwatan laban sa kaniya at pinatay siya sa kaniyang sariling bahay.

25Ngunit pinatay ng mga tao ang lahat ng mga nagsabwatan laban kay haring Ammon, at ginawa nila si Josias, na kaniyang anak, bilang hari na kapalit niya.

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY