Bible Explorer

Tuklasin › Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi › Sa daan patungong Jerusalem

Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi · Sa daan patungong Jerusalem

Ang pagbabagong-anyo

Mat 17:1–8 · Mar 9:2–8 · Luc 9:28–36

Mateo

Mat 17:1–8

1Makalipas ang anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro, Santiago at si Juan na kaniyang kapatid at sila ay dinala niya sa isang mataas na bundok nang sila lang.

2Siya ay nagbagong anyo sa kanilang harapan. Ang kaniyang mukha ay nagliwanag na katulad ng araw, at ang kaniyang mga damit ay naging puting-puti katulad ng liwanag.

3Masdan ito, nagpakita sa kanila sina Moises at Elias na nakikipag-usap sa kaniya.

4Nagsalita si Pedro at sinabi kay Jesus, “Panginoon, mabuti na kami ay narito. Kung nais ninyo, gagawa ako dito ng tatlong pagsisilungan—isa para sa inyo, at isa para kay Moises, at isa para kay Elias.”

5Habang siya ay nagsasalita pa, masdan ito, isang nakakasilaw na ulap ang lumilim sa kanila, at masdan ito, may isang tinig na mula sa ulap na nagsasabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Makinig kayo sa kaniya.”

6Nang marinig ito ng mga alagad, sila ay nagpatirapa at lubhang natakot.

7Pagkatapos, lumapit si Jesus at sila ay hinawakan at sinabi, “Tumayo kayo at huwag kayong matakot.”

8At sila ay tumingala ngunit walang ibang nakita maliban kay Jesus lamang.

Marcos

Mar 9:2–8

2At makalipas ang anim na araw, sinama ni Jesus si Pedro, Santiago at Juan na umakyat sa mataas na bundok, na sila lang ang naroon. Pagkatapos, nagbago ang kaniyang anyo sa kanilang harapan.

3Ang kaniyang kasuotan ay kumikinang nang napakaliwanag, labis na maputi, mas maputi kaysa sa anumang pampaputi sa mundo na maaaring makapagpapaputi sa mga ito.

4Pagkatapos ay nagpakita sa kanila si Elias kasama si Moises, at nakikipag-usap sila kay Jesus.

5Nagsalita si Pedro at sinabi kay Jesus, “Guro, mabuti para sa amin na kami ay naririto kaya hayaan mo kaming gumawa ng tatlong silungan, isa para sa iyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias.”

6(Sapagkat hindi niya alam kung ano ang sasabihin, sapagkat sila ay lubhang natakot.)

7Isang ulap ang dumating at lumilim sa kanila. Pagkatapos, isang boses ang nagmula sa ulap, “Ito ang aking minamahal na Anak. Makinig kayo sa kaniya.”

8Biglang, nang sila ay lumingon sa paligid, wala silang ibang nakitang kasama nila kundi si Jesus lamang.

Lucas

Luc 9:28–36

28At nangyari, pagkalipas ng mga walong araw pagkatapos sabihin ni Jesus ang mga salitang ito, dinala niya sina Pedro, Juan, at Santiago, at umakyat ng bundok upang manalangin.

29Habang siya ay nananalangin, nag-iba ang anyo ng kaniyang mukha, ang kaniyang damit ay naging puti at nagniningning.

30Masdan ito, may dalawang lalaking nakikipag-usap sa kaniya! Sila ay sina Moises at Elias

31na nag-anyong maluwalhati. Nagsalita sila patungkol sa kaniyang paglisan na malapit na niyang maisakatuparan sa Jerusalem.

32Ngayon, si Pedro at ang kaniyang mga kasama ay mahimbing na natutulog. Ngunit nang sila ay magising, nakita nila ang kaniyang kaluwalhatian, at ang dalawang lalaking nakatayo kasama niya.

33At nangyari nga, habang ang mga lalaki ay papalayo na kay Jesus, sinabi ni Pedro sa kaniya, “Panginoon, mabuti at nandito kami at marapat na magtayo kami ng tatlong kanlungan, isa para sa iyo, isa para kay Moises, at isa para kay Elias.” Hindi niya naintindihan kung ano ang kaniyang mga sinasabi.

34Pagkatapos, habang sinasabi niya ang mga bagay na ito, may ulap na dumating at nililiman sila; at sila ay natakot habang sila ay napapalibutan ng ulap.

35Isang tinig ang nanggaling sa ulap, na nagsasabi, “Ito ang aking Anak na pinili. Makinig kayo sa kaniya.”

36Nang matapos ang tinig, mag-isa na si Jesus. Sila ay tumahimik, at sa mga araw na iyon ay wala silang pinagsabihan sa mga bagay na kanilang nakita.

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY