Bible Explorer

Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Sina Saul at David

Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Sina Saul at David

Ang panalangin ni David

2 Sam 7:18–29 · 1 Cro 17:16–27

2 Samuel

2 Sam 7:18–29

18Pagkatapos pumasok at umupo si haring David sa harapan ni Yahweh; sinabi niya, “Sino ako, Yahweh O'Diyos, at sino ang aking pamilya na dinala mo sa puntong ito?

19At ito ay maliit na bagay sa iyong paningin, Panginoong Yahweh. Nagsalita ka tungkol sa lingkod ng iyong pamilya para sa isang dakilang sandali, at ipinakita sa akin ang mga hinaharap na salinlahi, Panginoong Yahweh!

20Ano pa ang maaaring sabihin ko, na si David, sa iyo? Pinarangalan mo ang iyong lingkod, Panginoong Yahweh.

21Alang-alang sa iyong salita, at para tuparin ang iyong sariling layunin, ginawa mo ang dakilang bagay na ito at ibinunyag ito sa iyong lingkod.

22Kaya dakila ka, Panginoong Yahweh. Dahil wala kang katulad, at walang ibang Diyos maliban sa iyo, gaya ng narinig ng aming mga sariling tainga.

23At anong bansa ang katulad ng iyong lahing Israel, na nag-iisang bansa sa sanlibutan na pinuntahan at iniligtas mo, O' Diyos, para sa iyong sarili? Ginawa mo ito para maging isang lahi sila para sa iyong sarili, para gumawa ng pangalan para sa iyong sarili, at gumawa ng dakila at nakakatakot na gawain para sa iyong lupain. Pinalayas mo ang mga bansa at kanilang mga diyus-diyosan mula sa harapan ng iyong mga tao, na iniligtas mo mula sa Ehipto.

24Itinatag mo ang Israel bilang iyong sariling lahi magpakailanman, at ikaw Yahweh, ang naging kanilang Diyos.

25Kaya ngayon, Yahweh O'Diyos, nawa'y itatag ang iyong ginawang pangako hinggil sa iyong lingkod at kaniyang pamilya magpakailanman. Gawin mo gaya ng iyong sinabi.

26Nawa'y maging dakila ang iyong pangalan magpakailanman, para sabihin ng mga tao, 'Si Yahweh ng mga hukbo ay Diyos ng Israel,' habang ang tahanan ko, David, na iyong lingkod, ay itatag sa harapan mo.

27Para sa iyo, Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ibinunyag mo sa iyong lingkod na gagawan mo siya ng isang tahanan. Kaya nga ako, na iyong lingkod, nakatagpo ng lakas ng loob para manalangin sa iyo.

28Ngayon, Panginoong Yahweh, ikaw ay Diyos, at mapagkakatiwalaan ang iyong mga salita, at ginawa mo ang mabuting pangakong ito sa iyong lingkod.

29Kaya ngayon, malugod mong pagpalain ang bahay ng iyong lingkod, para magpatuloy ito magpakailanman sa harapan mo. Dahil ikaw, Panginoong Yahweh, ang nagsabi ng mga bagay na ito, at sa iyong pagpapala ang bahay ng iyong lingkod ay pagpapalain magpakailanman.”

1 Mga Cronica

1 Cro 17:16–27

16Pagkatapos, pumasok si haring David at umupo sa harapan ni Yahweh, sinabi niya, “Sino ako, Yahweh na Diyos, at ano ang aking pamilya na ako ay dinala mo sa kalagayang ito?

17At ito ay isang maliit na bagay sa iyong paningin, O Diyos. Ikaw ay nagsalita tungkol sa pamilya ng iyong lingkod tungkol sa panahon na darating, at ipinakita mo sa akin ang mga susunod na salinlahi, O Yahweh na Diyos.

18Ano pa ang masasabi ko, akong si David, sa iyo? Pinarangalan mo ang iyong lingkod. Binigyan mo ang iyong lingkod ng isang natatanging pagkilala.

19O Yahweh, alang-alang sa iyong lingkod at upang matupad ang iyong sariling layunin, ginawa mo ang dakilang bagay na ito upang ihayag ang lahat ng iyong mga dakilang gawa.

20O Yahweh, wala kang katulad, at walang ibang Diyos maliban sa iyo, gaya ng lagi naming naririnig.

21At anong bansa sa mundo ang tulad ng iyong bayang Israel na iniligtas mo O Diyos mula sa Egipto bilang mga tao para sa iyo, upang gumawa ng pangalan para sa iyo sa pamamagitan ng mga dakila at mga nakamamanghang gawa? Pinalayas mo ang mga bansa sa harap ng iyong mga tao, na iniligtas mo mula sa Egipto.

22Ginawa mo ang Israel na iyong sariling mga tao magpakailanman, at ikaw, O Yahweh ang naging Diyos nila.

23Kaya ngayon, O Yahweh, nawa manatili magpakailanman ang ipinangako mo tungkol sa iyong lingkod at sa kaniyang pamilya. Gawin mo kung ano ang iyong sinabi.

24Nawa ang iyong pangalan ay manatili magpakailanman at maging dakila, upang sabihin ng mga tao, 'Si Yahweh, ang pinuno ng mga hukbong anghel ang Diyos ng Israel,' habang ang tahanan ko, akong si David na iyong lingkod ay manatili sa iyong harapan.

25Sapagkat ipinahayag mo, o aking Diyos, sa iyong lingkod na ipagtatayo mo siya ng isang tahanan. Kaya ako na iyong lingkod ay nakatagpo ng tapang upang manalangin sa iyo.

26Ngayon, O Yahweh, ikaw ay Diyos, at ginawa mo ang mabuting pangako na ito sa iyong lingkod:

27Ngayon, ikinalugod mo na pagpalain ang tahanan ng iyong lingkod upang ito ay magpatuloy magpakailanman sa iyong harapan. Pinagpala mo ito, O Yahweh, at ito ay pagpapalain magpakailanman.”

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY