Bible Explorer

Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Sina Saul at David

Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Sina Saul at David

Ang mga tagumpay ni David

2 Sam 8:1–14 · 1 Cro 18:1–13

2 Samuel

2 Sam 8:1–14

1Matapos mangyari ito sinalakay ni David ang Filisteo at tinalo sila. Kaya nakuha ni David ang Gat at mga nayon nito mula sa pamamahala ng mga taga-Filisteo.

2Pagkatapos tinalo niya ang Moab at sinukat ang kanilang mga kalalakihan gamit ang isang tali sa pamamagitan ng pagpapahiga sa kanila sa lupa. Sinukat niya ng dalawang tali para ipapatay, at ang isang buong tali ay para panatilihing buhay. Kaya naging mga lingkod ni David ang mga taga-Moab at sinumulan siyang bigyan ng pagkilala.

3Pagkatapos tinalo ni David si Hadadezer lalaking anak ni Rehob, na hari ng Soba, habang naglalakbay para bawiin ang kaniyang pamumuno sa Ilog ng Eufrates.

4Binihag ni David mula sa kaniya ang 1,700 karwahe at 20,000 kalalakihang naglalakad. Pinilay lahat ni David ang mga kabayo ng karwaheng pandigma, pero naglaan siya ng isandaang karwahe na sapat para sa kanila.

5Nang dumating ang mga Arameo ng Damasco para tulungan si Hadadezer na hari ng Soba, pinatay ni David ang dalawampu't dalawang libong kalalakihan ng Arameo.

6Pagkatapos inilagay ni David ang mga kuta sa Aram ng Damasco, at naging mga lingkod niya ang mga Arameo at siya ay kinilala. Ibinigay ni Yahweh ang tagumpay kay David saan man siya magtungo.

7Kinuha ni David ang mga gintong kalasag na nasa mga lingkod ni Hadadezer at dinala ang mga ito sa Jerusalem.

8Kinuha ni Haring David ang napakaraming tanso, mula sa Betaat Berotai, mga lungsod ni Hadadezer.

9Nang narinig ni Toi, hari ng Hamat na tinalo ni David ang buong hukbo ni Hadadezer,

10pinadala ni Toi ang kaniyang anak na lalaki na si Hadoram kay Haring David para batiin at purihin siya, dahil nakipaglaban si David kay Hadadezer at tinalo niya ito, at dahil nakipagdigmaan si Hadadezer laban kay Toi. Kasamang daladala ni Hadoram ang pilak, ginto at tanso.

11Hinandog ni Haring David ang mga bagay na ito kay Yahweh, kasama ang pilak at ginto mula sa lahat ng mga bansa na kaniyang nasakop—

12mula sa Aram, Moab, mga bayan ng Ammon, mga taga-Filisteo, at Amalek, kasama ang lahat ng mga gamit na nakuha sa panloloob ni Hadadezer na anak na lalaki ni Rehob, ang hari ng Soba.

13Naging tanyag ang pangalan ni David nang bumalik siya mula sa pananakop sa mga Arameo sa lambak ng Asin, kasama ang kanilang labing walong libong tauhan.

14Inilagay niya ang mga kuta sa buong Edom, at naging lingkod niya ang lahat ng mga taga-Edom. Ibinigay ni Yahweh ang tagumpay kay David saan man siya nagtungo.

1 Mga Cronica

1 Cro 18:1–13

1Pagkatapos nito, nangyari na sinalakay ni David ang mga Filisteo at tinalo sila. Kinuha niya ang Gat at ang mga nayon nito mula sa pamamahala ng mga FIlisteo.

2Pagkatapos tinalo niya ang Moab, at naging mga tagapaglingkod ni David ang mga Moabita at binigyan siya ng parangal.

3Sunod na tinalo ni David si Hadadezer, ang hari ng Zoba sa Hamat, habang naglalakbay si Hadadezer upang itatag ang kaniyang pamumuno sa Ilog Eufrates.

4Nabihag ni David mula sa kaniya ang isanlibong karwahe, pitong libong mangangabayo, at dalawampung libong kawal na naglalakad. Pinilayan ni David ang mga kabayo ng mga karwahe, ngunit nagtira siya ng sapat sa kanila para sa isandaang karwahe.

5Nang dumating ang mga Arameo ng Damasco upang tulungan si Hadadezer na hari ng Zoba, pinatay ni David ang dalawampu't dalawang libong Arameong kalalakihan.

6Pagkatapos naglagay si David ng mga kuta sa Aram ng Damasco, at naging mga alipin niya ang mga Arameo at nagdala sa kaniya ng parangal. Binigyan ni Yahweh si David ng katagumpayan saan man siya nagpunta.

7Kinuha ni David ang mga gintong panangga na nasa mga alipin ni Hadadezer at dinala sila sa Jerusalem.

8Kinuha ni David ang napakaraming tanso mula sa Tibha at Cun, ang mga lungsod ni Hadadezer. Ito ang mga tanso na kalaunan ay ginamit ni Solomon sa paggawa ng tansong dagat, mga haligi, at mga kagamitang tanso.

9Nang mabalitaan ni Tou, ang hari ng Hamat, na tinalo ni David ang lahat ng hukbo ni Hadadezer na hari ng Zoba,

10ipinadala ni Tou ang kaniyang anak na si Hadoram kay Haring David upang batiin at pagpalain, dahil nakipaglaban at tinalo ni David si Hadadezer, at dahil nagdeklara si Hadadezer ng digmaan laban kay Tou. Nagdala si Hadoram ng mga kagamitan na pilak, ginto, at tanso.

11Inilaan ni Haring David ang mga kagamitang ito kay Yahweh, kasama ang mga pilak at mga ginto na nakuha niya sa lahat ng bansa: sa Edom, Moab, sa mga Ammonita, sa mga Filisteo, at Amalek.

12Pinatay ni Abisai na anak ni Zeruias ang 18,000 na Edomita sa lambak ng Asin.

13Naglagay siya ng mga kuta sa Edom, at naging mga tagapaglingkod ni David ang lahat ng Edomita. Binigyan ni Yahweh si David ng katagumpayan saan man siya nagpunta.

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY