Bible Explorer

Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Sina Saul at David

Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Sina Saul at David

Ang mga opisyal ni David

2 Sam 8:15–18 · 1 Cro 18:14–17

2 Samuel

2 Sam 8:15–18

15Naghari si David sa buong Israel, at ipinatupad niya ang katarungan at katuwiran sa lahat ng kaniyang mga tao.

16Naging pinuno ng hukbo si Joab anak na lalaki ni Zeruias, at naging tagapagtala si Jehoshafat anak na lalaki ni Ahilud.

17Naging pari sina Zadok anak na lalaki ni Ahitub at Ahimelec anak na lalaki ni Abiatar, at naging manunulat si Seraya.

18Namuno si Benaias anak na lalaki ni Joaida sa mga Kereteo at mga Peleteo, at naging punong tagapayo ng hari ang mga anak na lalaki ni David.

1 Mga Cronica

1 Cro 18:14–17

14Naghari si David sa buong Israel, at pinangasiwaan niya nang may katarungan at katuwiran ang lahat ng kaniyang mamamayan.

15Si Joab na anak ni Zeruias ang pinuno ng hukbo, at si Jehosafat na anak ni Ahilud ang tagapagtala.

16Si Zadok na anak ni Ahitob at si Abimelec na anak ni Abiatar ay mga pari, at si Shavsha ay eskriba.

17Si Benaias na anak ni Joiada ang tagapangasiwa ng mga Kereteo at mga Peleteo, at ang mga anak ni David ay ang mga pangunahing tagapayo ng hari.

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY