16Masdan ito, isang lalaki ang lumapit kay Jesus at sinabi, “Guro, ano ang mabuting bagay na kinakailangan kong gawin upang ako ay magkaroon ng buhay na walang hanggan?”
17Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Bakit mo ako tinatanong tungkol sa kung ano ang mabuti? Isa lang ang mabuti, ngunit kung nais mong pumasok sa buhay, tuparin mo ang mga kautusan.”
18At sinabi ng lalaki sa kaniya, “Alin sa mga kautusan? Sinabi ni Jesus, “Huwag kang pumatay, huwag kang mangangalunya, huwag kang magnakaw, huwag kang magsinungaling sa iyong pagsaksi,
19igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, at ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamamhal mo sa iyong sarili.
20At sinabi ng binatang lalaki sa kaniya, ang lahat nang ito ay sinunod ko. Ano pa ba ang kailangan ko?
21Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kung nais mong maging ganap, humayo ka at ipagbili mo ang iyong ari-arian at ibigay sa mahihirap, at magkakaroon ka ng yaman sa langit. At halika, sumunod ka sa akin.”
22Subalit ng marinig ng binatang lalaki ang sinabi ni Jesus, umalis siya na malungkot, sapagkat siya ay may napakaraming mga ari-arian.
23Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo, mahirap makapasok ang isang mayaman sa kaharian ng langit.
24Muling sinasabi ko sa inyo, madali pa sa isang kamelyo ang pumasok sa butas ng karayom kaysa sa isang mayaman na makapasok sa kaharian ng Diyos.”
25Nang mapakinggan ito ng mga alagad, sila ay namangha at sinabi, “Sino kung gayon ang maaaring maligtas?”
26Tumingin sa kanila si Jesus at sinabi, “Sa mga tao ito ay imposible ngunit sa Diyos, lahat ay posible.”
27Sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya, “Tingnan mo, iniwan namin ang lahat at sumunod saiyo. Ano ang makakamtan namin?”
28Sinabi ni Jesus sa kanila, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo, kayo na sumunod sa akin, sa bagong kapanganakan kapagka ang Anak ng Tao ay uupo na sa trono sa kaniyang kaluwalhatian, kayo rin naman ay uupo sa labindalawang mga trono, maghuhukom sa labingdalawang mga tribu ng Israel.”
29Ang bawat isa na nag-iwan ng mga bahay, mga kapatid na lalaki, mga kapatid na babae, ama at ina, o lupain alang alang sa akin, ay makakatanggap ng isang daang beses at magmamana ng buhay na walang hanggan.
30Subalit marami ang nauna ngayon na mahuhuli at marami sa mga nahuhuli ay mauuna.