Tuklasin › Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi › Sa daan patungong Jerusalem
Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi · Sa daan patungong Jerusalem
Ipinahayag ni Jesus ang kaniyang kamatayan sa ikatlong pagkakataon
Mat 20:17–19 · Mar 10:32–34 · Luc 18:31–34
Mat 20:17–1917Habang si Jesus ay patungo sa Jerusalem, ang labindalawa ay isinama niya at habang nasa daan sinabi niya sa kanila,
18“Tingnan ninyo, aakyat tayo patungo sa Jerusalem at ang Anak ng Tao ay ibibigay sa mga punong mga pari at mga eskriba. At siya ay hahatulan nila ng kamatayan
19at ibibigay sa mga Gentil upang siya ay kutyain, paluin, at ipako siya sa krus. Ngunit sa ikatlong araw siya ay babangunin.
Mar 10:32–3432Nasa daan sila, paakyat sa Jerusalem at nauuna si Jesus sa kanila. Namangha ang mga alagad at ang mga sumusunod ay natatakot. At muling ibinukod ni Jesus ang Labindalawa at nagsimulang sabihin sa kanila ang nalalapit na mangyayari sa kaniya,
33“Tingnan ninyo, pupunta tayo sa Jerusalem, at ihaharap ang Anak ng Tao sa mga punong pari at sa mga eskriba. Hahatulan nila siya ng kamatayan at ibibigay siya sa mga Gentil.
34Kukutyain nila siya, duduraan, hahagupitin at kanilang papatayin. Ngunit mabubuhay siya pagkatapos ng tatlong araw.”
Luc 18:31–3431Pagkatapos niyang tipunin ang Labindalawa, sinabi niya sa kanila, “Masdan ninyo, paakyat tayo sa Jerusalem, at ang lahat ng bagay na isinulat ng mga propeta tungkol sa Anak ng Tao ay matutupad.
32Sapagkat ibibigay siya sa mga Gentil, at kukutyain, at ipapahiya, at duduraan.
33Pagkatapos siyang hagupitin, siya ay papatayin nila at sa ikatlong araw muli siyang mabubuhay.”
34Wala silang naunawaan sa mga bagay na ito, at ang salitang ito ay lingid sa kanila, at hindi nila naunawaan ang mga bagay na nasabi.
May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.
Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY