Bible Explorer

Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Ang mga hari ng Juda

Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Ang mga hari ng Juda

Ipinagbawal ni Semaias ang digmaan

1 Hari 12:21–24 · 2 Cro 11:1–4

1 Mga Hari

1 Hari 12:21–24

21Nang dumating si Rehoboam sa Jerusalem, tinipon niya ang lahat ng lipi ni Juda at ang lipi ni Benjamin; mayroong piniling 180,000 kalalakihan na mga sundalo, para labanan ang lipi ng Israel, para ibalik muli ang kaharian kay Rehoboam na anak ni Solomon.

22Ngunit dumating ang salita ng Diyos kay Semaias, ang lingkod ng Diyos; ito ang sinabi,

23“Sabihin kay Rehoboam na anak ni Solomon, hari ng Juda, sa lahat ng lipi ni Juda at Benjamin, at sa natitirang mga tao; sabihing,

24'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Hindi ninyo dapat nilulusob o nilalabanan ang inyong mga kapatid na bayang Israel. Bawat lalaki ay dapat magbalik sa kaniyang tahanan, dahil kalooban ko na mangyari ang bagay na ito.”' Kaya nakinig sila sa salita ni Yahweh at bumalik at nagpunta sa kani-kanilang daan, at sinunod nila ang kaniyang salita.

2 Mga Cronica

2 Cro 11:1–4

1Nang makarating si Rehoboam sa Jerusalem, tinipon niya ang sambahayan ni Juda at Benjamin, 180,000 na piling mga lalaking mandirigma na makikipaglaban sa Israel upang maibalik kay Rehoboam ang kaharian.

2Ngunit natanggap ni Semaias na lingkod ng Diyos ang salita ni Yahweh, na nagsasabi,

3“Sabihin mo kay Rehoboam na anak ni Solomon na hari ng Juda at sa buong Israel na nasa Juda at Benjamin.

4Sinabi ito ni Yahweh, 'Hindi ninyo dapat salakayin o kalabanin ang inyong mga kapatid. Dapat bumalik ang bawat isa sa kaniyang tahanan sapagkat ang bagay na ito ay pinahintulutan kong mangyari.'” Kaya nakinig sila sa mga salita ni Yahweh at hindi na nila kinalaban si Jeroboam.

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY