Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Ang mga hari ng Juda
Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Ang mga hari ng Juda
Sinalakay ni Shishak ang Jerusalem
1 Hari 14:25–28 · 2 Cro 12:9–11
1 Hari 14:25–2825Nangyari nang ika-limang taon ng paghahari ni Haring Rehoboam na sinalakay ni Shishak hari ng Ehipto ang Jerusalem.
26Kinuha niya ang mga kayamanan sa bahay ni Yahweh, at ang mga kayamanan sa bahay ng hari. Sinamsam niya ang lahat ng bagay; kinuha niya rin ang lahat ng mga gintong kalasag na ginawa ni Solomon.
27Gumawa ng mga tansong kalasag si Haring Rehoboam kapalit nila at ipinagkatiwala sila sa mga kamay ng mga pinuno ng bantay, na nagbabantay ng pintuan sa bahay ng hari.
28Ito ay nangyayari kapag pumapasok ang hari sa bahay ni Yahweh, dala-dala ito ng mga bantay; pagkatapos sila ay ibabalik nila sa himpilan ng bantay.
2 Cro 12:9–119Kaya nilusob ni Shishak na hari ng Egipto ang Jerusalem at kinuha ang mga kayamanan sa tahanan ni Yahweh at ang mga kayamanan sa bahay ng hari. kinuha niya ang lahat, kinuha rin niya ang mga gintong kalasag na ginawa ni Solomon.
10Nagpagawa si Haring Rehoboam ng mga tansong kalasag bilang kapalit ng mga ito at ipinagkatiwala ang mga ito sa mga kamay ng pinuno ng mga tagabantay, na nagbabantay ng mga pintuan sa bahay ng hari.
11Nangyari na sa tuwing pumapasok ang hari sa tahanan ni Yaweh, binubuhat ng mga tagabantay ang mga kalasag at pagkatapos ay ibabalik sa silid ng mga tagabantay.
May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.
Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY