Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Sina Saul at David
Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Sina Saul at David
Nasakop ang Rabba
2 Sam 12:26–31 · 1 Cro 20:1–3
2 Sam 12:26–3126Ngayon, nakipaglaban si Joab sa Rabba, ang maharlikang lungsod ng mga tao ng Ammon at nabihag niya ang kuta nito.
27Kaya nagpadala si Joab ng mga mensahero kay David at sinabi, “Nakipaglaban ako sa Rabba at nakuha ko ang ipunan ng tubig ng lungsod.
28Ngayon samakatwid sama-samang ipunin ang natitirang hukbo at magkampo laban sa lungsod at kunin ito, dahil kung kukunin ko ang lungsod, ipapangalan ito sa akin.”
29Kaya sama-samang tinipon ni David ang lahat ng kaniyang mga hukbo at pumunta sa Rabba; nakipaglaban siya sa lungsod at nabihag ito.
30Kinuha ni David ang korona mula sa ulo ng kanilang hari—tumitimbang ito ng isang talentong ginto at may isang mamahaling bato rito. Inilagay ang korona sa sariling ulo ni David. Pagkatapos inilabas niya ang nakuha sa panloloob ng lungsod na may malalaking kabuuan.
31Inilabas niya ang mga tao na nasa lungsod at pinilit silang magtrabaho gamit ang mga lagari, mga suyod na bakal at mga palakol; pinagtrabaho din niya sila sa tapahan ng laryo. Inatasan ni David ang lahat ng mga lungsod ng mga tao ng Ammon na gawin ang mga trabahong ito. Pagkatapos bumalik si David at ang buong hukbo sa Jerusalem.
1 Cro 20:1–31Nang sumapit ang tagsibol sa panahon na karaniwang nakikipagdigma ang mga hari. Pinangunahan ni Joab ang hukbo sa labanan at winasak nila ang lupain ng mga Ammonita. Pumunta siya at sinalakay ang Rabba, nanatili si David sa Jerusalem. Nilusob ni Joab ang Rabba at tinalo ito.
2Kinuha ni David ang korona ng kanilang hari mula sa ulo nito at nalaman niya na nagtitimbang ito ng isang talentong ginto at may mga mamahaling bato. Inilagay ang korona sa ulo ni David at inilabas niya ang napakalaking bilang na sinamsam sa lungsod.
3Pinalabas niya ang mga tao na nasa lungsod at sapilitan silang pinagtrabaho gamit ang mga lagari, mga matutulis na bakal at mga palakol. Iniutos ni David sa lahat ng mga lungsod ng mga Ammonita na gawin ang trabahong ito. Pagkatapos, bumalik si David at ang lahat ng kaniyang hukbo sa Jerusalem.
May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.
Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY