Bible Explorer

Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Sina Saul at David

Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Sina Saul at David

Ang mga higanteng Filisteo

2 Sam 21:18–22 · 1 Cro 20:4–8

2 Samuel

2 Sam 21:18–22

18Nangyari pagkatapos nito nagkaroon uli ng isang labanan kasama ng mga taga-Filisteo sa Gob, nang pinatay ni Sibecai na Husatita si Saf, na isa sa lahi ni Hus, na isa sa mga kaapu-apuhan ng Refaim.

19Nangyari uli sa isang labanan kasama ng mga taga-Filisteo sa Gob, na si Elhanan anak na lalaki ni Jair ang Betlehemita na pinatay si Goliat ang Geteo, ang tungkod ng sibat ay gaya ng isang sinag ng panghabi.

20Nangyari sa isa pang labanan sa Gat na mayroong isang tao na napakataas na mayroong anim na daliri sa bawat kamay at anim na daliri sa bawat paa, dalawampu't-apat sa bilang. Siya rin ay naggaling sa Refaim.

21At nang hinamon niya ang Israel, si Jonatan anak na lalaki ni Simea, kapatid na lalaki ni David, ay pinatay siya.

22Ito ang mga kaapu-apuhan ng Refaim ng Gat, at pinatay sila sa pamamagitan ng kamay ni David at sa kamay ng kaniyang mga sundalo.

1 Mga Cronica

1 Cro 20:4–8

4At nangyari pagkatapos nito, nagkaroon ng digmaan sa Gezer laban sa mga Filisteo. Napatay ni Sibecai na Husatita si Sipai, isa sa mga kaapu-apuhan ng Refaim at nasakop ang mga Filisteo.

5At muling nangyari sa digmaan laban sa mga Filisteo sa Gob, pinatay ni Elhanan na anak ni Jair na taga-Bethlehem si Lahmi na kapatid ni Goliath na taga-Gat, na ang sibat ay katulad ng kahoy na ginagamit ng manghahabi.

6At nangyari na sa isa pang labanan sa Gat, may isang lalaking sobrang tangkad na may tig-aanim na daliri sa bawat kamay at tig-aanim na daliri sa bawat paa. Mula rin siya sa lahi ng Refaim,

7Nang kutyain niya ang hukbo ng Israel, pinatay siya ni Jehonadab na anak ni Simea, na kapatid ni David.

8Ito ay mga kaapu-apuhan ng Refaim sa Gat, at sila ay pinatay sa pamamagitan ng kamay ni David at sa kamay ng kaniyang mga kawal.

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY