Bible Explorer

Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Sina Saul at David

Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Sina Saul at David

Ang magigiting na kawal ni David

2 Sam 23:8–39 · 1 Cro 11:10–47

2 Samuel

2 Sam 23:8–39

8Ito ang mga pangalan ng mga magigiting na kawal ni David: Jesbaal na Hacmonita na naging pangulo ng mga magiting na kawal. Nakapatay siya ng walong daang tao sa isang pagkakataon.

9Sumunod sa kaniya si Eleazar na lalaking anak ni Dodo, lalaking anak ng isang Ahohita, isa sa tatlong magigiting na mga tauhan ni David. Naroon siya nang nilabanan nila ang mga taga-Filisteo na sama-samang nagtipon para makipagdigmaan, at nang umurong ang mga tauhan ng Israel.

10Nanatili si Eleazar at nilabanan ang mga taga-Filisteo hanggang sa napagod ang kaniyang kamay at nanigas ang kaniyang kamay sa mahigpit na pagkakahawak sa kaniyang espada. Nagdala ng tagumpay si Yahweh sa araw na iyon. Bumalik ang hukbo pagkatapos ni Eleazar, para lang hubaran ang mga katawan.

11Sumunod sa kaniya si Samma na lalaking anak ni Age, isang Hararita. Sama-samang nagtipon ang mga taga-Filisteo kung saan may bukid ng mga lentil, at tinakasan sila ng hukbo.

12Pero tumayo si Samma sa gitna ng bukid at ipinagtanggol ito. Napatay niya ang mga taga-Filisteo at nagdala ng isang dakilang tagumpay kay Yahweh.

13Tatlo sa tatlumpung tauhan ang bumaba papunta kay David sa panahon ng ani, sa kuweba ng Adullam. Nakakampo ang hukbo ng mga taga-Filisteo sa lambak ng Refaim.

14Si David noon ay nasa kaniyang tanggulan, isang yungib, habang nagtatag ang mga taga-Filisteo sa Bethlehem.

15Nagnais si David ng tubig at sinabing, “Kung mayroon lamang magbibigay sa akin ng tubig na maiinom mula sa balon ng Bethlehem, ang balon na nasa tarangkahan!”

16Kaya sinira ng tatlong magigiting na lalaki ang hukbo ng mga taga-Filisteo at sumalok ng tubig sa balon ng Betlehem, ang balon na nasa tarangkahan. Kumuha sila ng tubig at dinala ito kay David, pero hindi niya ininom ito. Sa halip, ibinuhos niya ito kay Yahweh.

17Pagkatapos sinabi niya, “Huwag nawa pahintulutan, Yahweh, na inumin ko ito. Iinumin ko ba ang dugo ng mga taong nagbuwis ng kanilang mga buhay?” Kaya tumanggi siyang ininumin ito. Ito ang mga bagay na ginawa ng tatlong magigiting na lalaki.

18Si Abisai, lalaking kapatid ni Joab at lalaking anak ni Zeruias, ang kapitan ng tatlo. Minsan na siyang nakipaglaban sa tatlong daang kalalakihan gamit ang kaniyang sibat at pinatay sila. Madalas siyang banggitin kasama ng tatlong kawal.

19Hindi ba mas kilala siya kaysa tatlong kawal? Ginawa nila siyang kapitan. Gayunman, hindi napantayan ng kaniyang katanyagan ang katanyagan ng tatlong pinakakilalang mga kawal.

20Si Benaias, mula sa Kabzeel, ay lalaking anak ni Joaida; siya ang malakas na lalaki na gumawa ng mga dakilang gawa. Pinatay niya ang dalawang lalaking anak ni Ariel ng Moab. Bumaba rin siya sa loob ng isang hukay at pinatay ang leon habang nagniniyebe.

21At pinatay niya ang isang napakalaking lalaking taga-Ehipto. May hawak na sibat ang taga-Ehipto, pero nakipaglabanan si Benaias sa kaniya gamit lamang ang isang tungkod. Inagaw niya mula sa kamay ng taga-Ehipto at pinatay siya gamit ang kaniyang sariling sibat.

22Ginawa ni Benaias anak na lalaki ni Joaida itong mga kahanga-hangang gawa, at pinangalanan siya kasama ng tatlong magigiting na lalaki.

23Labis siyang hinangaan kaysa sa tatlumpung kawal sa pangkalahatan, pero hindi siya labis na hinahangaan gaya ng tatlong pinaamahusay na kawal. Pero ginawa siya ni David na tagapamahala ng kaniyang mga tagabantay.

24Kasali sa tatlumpu ang mga sumusunod na lalaki: Asahel lalaking kapatid ni Joab, Elhanan lalaking anak ni Dodo na mula sa Betlehem,

25Samma na Horodita, Elika na Harodita,

26Helez na Paltita, Ira na lalaking anak ni ekis na taga-Tekoa,

27Abi Ezer na taga-Anatot, Mebunai na taga-Husa,

28Zalmon na taga-Aho, Maharai na Netofa;

29Heleb lalaking anak ni Baana, taga-Netofa, Itai lalaking anak ni Ribai na mula sa Gibea ng mga lahi ni Benjamin,

30Benaias ang Piraton, Hidai ng mga lambak ng Gaas.

31Abialbon na Araba, Azmavet na Bahurim,

32Eliahba na taga-Saalbon, mga lalaking anak ni Jasen, Jonatan;

33Samma na taga-Arar, Ahiam anak ni Sharar na taga-Arar,

34Elifelet lalaking anak ni Ahasbai na taga-Maaca, Eliam lalaking anak ni Ahithofel na taga-Gilo,

35Hezro na taga-Carmel, Paarai ang Arab

36Igal lalaking anak ni Natan mula sa Zoba, Bani mula sa lipi ni Gad,

37Zelek na taga-Ammon, Naharai na taga-Beerot, tagadala ng baluti kay Joab lalaking anak ni Zeruias,

38Ira na taga-Jatir, Gareb taga-Jatir,

39Urias ang Heteo— tatlumpu't pito lahat.

1 Mga Cronica

1 Cro 11:10–47

10Ito ang mga pinuno na mayroon si David na nagpakita na sila ay malalakas kasama niya sa kaniyang kaharian, kasama ang buong Israel upang gawin siyang hari, na sinusunod ang salita ni Yahweh tungkol sa Israel.

11Ito ang listahan ng mga piling kawal ni David: Si Jasobeam, na anak ng isang Hacmonita, ay pinuno ng tatlumpu. Pinatay niya ang tatlongdaang kalalakihan sa pamamagitan ng kaniyang sibat sa isang pagkakataon.

12Sumunod sa kaniya si Eleazar na anak ni Dodo, na Ahohita na isa sa tatlong malalakas na mga kalalakihan.

13Kasama niya si David sa Pas-dammim, at doon nagtipon-tipon ang mga Filisteo para sa labanan, kung saan may bukid ng sebada at tumakas ang hukbo ng mga Israelita mula sa mga Filisteo.

14Tumayo sila sa gitna ng bukid, ipinagtanggol ito at pinatay ang mga Filisteo. Iniligtas sila ni Yahweh na may malaking tagumpay.

15At tatlo sa tatlumpung mga pinuno ang bumaba patungo kay David sa malaking bato, sa yungib ng Adullam. Nagkampo ang mga hukbo ng Filisteo sa lambak ng Rephaim.

16Sa panahong iyon, naroon si David sa kaniyang tanggulan, isang yungib, samantalang nagtatag ang mga Filisteo ng kanilang kampo sa Betlehem.

17Nanabik sa tubig si David at sinabi, “Kung may magbibigay sana sa akin ng tubig upang inumin mula sa balon ng Betlehem, sa balon na malapit sa tarangkahan!”

18Kaya sumugod ang tatlong malalakas na kalalakihan sa hukbo ng mga Filisteo at kumuha ng tubig mula sa balon ng Betlehem, ang balon na nasa tarangkahan. Kumuha sila ng tubig at dinala kay David, ngunit tumanggi siyang inumin ito. Sa halip, ibinuhos niya ito para kay Yahweh.

19At sinabi niya, “Huwag mong ipahintulot, Yahweh, na inumin ko ito. Iinumin ko ba ang dugo ng mga kalalakihang nagbuwis ng kanilang mga buhay?” Dahil inilagay nila sa panganib ang kanilang buhay, ayaw niyang inumin ito. Ito ang mga bagay na ginawa ng tatlong matatapang na kalalakihan.

20Si Abisai na kapatid ni Joab ang namuno sa tatlo. Ginamit niya ng minsan ang kaniyang sibat laban sa tatlong daan at pinatay sila. Madalas siyang banggitin kasama ng tatlong kawal.

21Sa tatlo, siya ay labis na pinarangalan at naging kanilang pinuno. Gayunman, ang kaniyang katanyagan ay hindi papantay sa katanyagan ng tatlong mga kawal.

22Si Benaias na anak ni Joaida ay malakas na lalaki na gumawa ng mga kahanga-hangang gawa. Pinatay niya ang dalawang anak ni Ariel ng Moab. Bumaba din siya sa malalim na hukay at pinatay ang isang leon habang umuulan ng niyebe.

23Pinatay rin niya ang isang lalaking taga-Egipto na may limang kubit ang taas. Ang taga-Egipto ay may sibat na tulad ng kahoy na panghabi, subalit pumunta siya sa kaniya na tungkod lamang ang dala. Inagaw niya ang sibat sa kamay ng taga-Egipto at pinatay siya gamit ang sarili niyang sibat.

24Ang mga kahanga-hangang gawa na ito ay ginawa ni Benaias na anak ni Joaida, at pinangalanan siya kasama ng tatlong malalakas na kalalakihan.

25Mas higit siyang iginagalang kaysa sa tatlumpung mga kawal sa pangkalahatan, ngunit hindi siya iginagalang na katulad ng tatlong mga piling kawal. Gayunman, inilagay siya ni David na tagapangasiwa ng kaniyang mga bantay.

26Ang malalakas na mga kalalakihan ay sina Asahel na kapatid ni Joab, Elhanan na anak ni Dodo ng Betlehem,

27Si Samot na taga-Harod, Si Helez na taga-Pelet,

28Si Ira na anak ni Iques na taga-Tekoa, si Abiezer na taga-Anatot,

29si Sibecai na taga-Husa, si Ilai na taga-Aho,

30si Maharai na taga-Netofa, Heled na anak ni Baana na taga-Netofa,

31si Itai na anak ni Ribai na taga-Gibea na mula sa angkan ni Benjamin, si Benaias na taga-Piraton,

32si Hurai na mula sa mga lambak ng Gaas, si Abiel na taga-Arba,

33si Azmavet na taga-Behurim, si Eliaba na taga-Saalbon,

34ang mga anak ni Hasem na taga-Gizon, si Jonathan na anak ni Sage na taga-Arar,

35si Ahiam na anak ni Sacar na taga-Arar, si Elifal na anak ni Ur,

36si Hefer na taga-Mequera, si Ahias na taga-Pelon,

37si Hezro na taga-Carmel, si Naarai na anak ni Ezbai,

38si Joel na kapatid ni Nathan, si Mibhar na anak ni Hagri,

39si Zelec na taga-Ammon, si Naarai na taga-Berot (tagadala ng baluti ni Joab na anak ni Zeruiah),

40si Ira at Gareb na taga-Jatir,

41si Urias na Heteo, si Zabad na anak ni Ahlai,

42si Adina na anak ni Siza (na pinuno sa angkan ni Ruben) at kasama niya ang tatlumpung tao,

43si Hanan anak ni Maaca, at si Josafat na taga-Mitan,

44si Uzias na taga-Asterot, Sammah at Jeiel na mga anak ni Hotam na taga-Aroer,

45si Jediael na anak ni Simri at si Joha na kaniyang kapatid na taga-Tiz,

46si Eliel na taga-Mahava, si Jeribai at Josavia ang mga anak ni Elnaam, si Itma na taga-Moab,

47sina Eliel, Obed, at Jasael na taga-Zoba.

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY