Tuklasin › Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi › Simula
Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi · Simula
Ang pagbautismo kay Jesus
Mat 3:13–17 · Mar 1:9–11 · Luc 3:21–22 · Juan 1:29–34
Mat 3:13–1713Pagkatapos ay dumating si Jesus sa Ilog ng Jordan mula Galilea upang magpabautismo kay Juan.
14Ngunit pinigilan siya ni Juan at nagsasabi, “Ako ang dapat mong bautismuhan? Bakit ka lumalapit sa akin?”
15Tumugon si Jesus at sinabi sa kaniya, “Pahintulutan mo ito ngayon sapagkat ito ang nararapat upang matupad natin ang lahat ng katuwiran.” Kaya pinahintulutan siya ni Juan.
16Pagkatapos niyang mabautismuhan, agad umahon si Jesus sa tubig, at masdan ito, bumukas ang mga langit sa kaniya. Nakita niya ang pagbaba ng Espiritu ng Diyos na parang kalapati na dumapo sa kaniya.
17Masdan ito, may isang tinig na mula sa mga langit na nagsasabi, “Ito ang pinakamamahal kong Anak. Lubos akong nalulugod sa kaniya.”
Mar 1:9–119Nangyari sa mga araw na iyon na si Jesus ay dumating mula sa Nazaret sa Galilea at siya ay binautismuhan ni Juan sa ilog ng Jordan.
10Nang si Jesus ay umahon sa tubig, nakita niya na bumukas ang langit at ang Espiritu ay bumaba sa kaniya na tulad ng kalapati.
11At isang tinig ang nagmula sa langit, “Ikaw ang minamahal kong Anak. Ako ay labis na nalulugod sa iyo.”
Luc 3:21–2221At nangyari ngang habang ang lahat ng tao ay binabautismuhan, si Jesus ay nabautismuhan din. Habang siya ay nananalangin, ang kalangitan ay bumukas.
22Ang Banal na Espiritu ay bumaba sa kaniya na may anyo na gaya ng kalapati, habang may isang tinig ang nanggaling sa langit, “Ikaw ang aking minamahal na Anak. Lubos akong nalulugod sa Iyo.”
Juan 1:29–3429Sa sumunod na araw nakita ni Juan na paparating si Jesus sa kaniya at sinabi, “Tingnan ninyo, ayun ang kordero ng Diyos na siyang nag-aalis nang mga kasalanan ng mundo!
30Siya ang sinabi ko sa inyo na, 'Ang darating kasunod ko ay mas higit sa akin, sapagkat siya ay nauna sa akin.'
31Hindi ko siya nakilala, ngunit ito ay nangyari upang maihayag siya sa Israel na siyang dahilan na ako ay nagbabautismo ng tubig.”
32Nagpatotoo si Juan, “Nakita ko ang Espiritu na bumababa mula sa langit tulad ng isang kalapati, at ito ay nanatili sa kaniya.
33Hindi ko siya nakilala, ngunit ang sabi sa akin ng nagsugo sa akin na magbautismo sa tubig, 'Kung kanino mo makikita ang Espiritu na bumababa at nananatili, siya ang magbabautismo ng Banal na Espiritu.'
34Pareho kong nakita at napatotohanan na ito ang Anak ng Diyos.
May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.
Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY