Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Agosto 2027 › Agosto 25
Kalendaryong Orthodox · Agosto 12 (lumang kalendaryo)
Mga pagbasang Ortodokso — Agosto 25, 2027
Miyerkules · Ikasampung linggo pagkatapos ng Pentekostes · Tono 8
Mga kapistahan at mga santo
Pagkatapos ng Kapistahan ng Pagbabagong-anyo ng Panginoon
Pag-aayuno ng Pagkakatulog ng Theotokos
Mahigpit na pag-aayuno (tuyong pagkain: tinapay, gulay, prutas)
Ito ay ayon sa panuntunan ng monasteryo. Sa parokya, ang sukat ng pag-aayuno ay itinatakda kasama ng kumpesor, ayon sa kalusugan, edad at kalagayan.
Mga pagbasa sa araw na ito
Sulat
4At kung ito ay nararapat para sa akin na pumunta doon, sila'y pupuntang kasama ko. 5Ngunit ako ay pupunta sa inyo, kapag dumaan ako sa Macedonia. Sapagkat dadaan ako sa Macedonia. 6Marahil ako ay mananatili na kasama ninyo o kahit magpalipas ako hanggang sa taglamig, upang ako ay inyong matulungan sa aking paglalakbay, saan man ako pumunta. 7Sapagkat hindi ko nais makita kayo ngayon sa maikling panahon. Ngunit umaasa akong makakagugol ako sa inyo ng mahabang panahon, kung papahintulutan ng Panginoon. 8Ngunit mananatili ako sa Efeso hanggang sa Pentecostes, 9sapagkat may isang maluwang na pintuan ang nabuksan para sa akin, at doon ay maraming kaaway. 10Ngayon kung darating si Timoteo, tingnan ninyo siya na wala siyang dahilang matakot habang kasama ninyo, sapagkat ginagawa niya ang gawain ng Panginoon, na gaya ng aking ginagawa. 11Huwag hayaang hamakin siya ninuman. Tulungan ninyo siyang maging mapayapa sa kaniyang daan, upang siya ay makapunta sa akin. Sapagkat inaasahan kong pagpunta niya dito kasama niya ang mga kapatid. 12Ngayon tungkol sa ating kapatid na si Apolos. Matindi kong hinihimok na bisitahin niya kayo na kasama ang mga kapatid. Ngunit nakapagpasiya siyang hindi makakapunta ngayon. Gayunman, siya ay pupunta kapag magkaroon siya ng pagkakataon.
Ebanghelyo
28Subalit ano sa palagay ninyo? May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Pumunta siya sa una at sinabi, 'Anak pumunta ka at magtrabaho sa araw na ito sa ubasan,' 29Sumagot ang anak at nagsabi, 'Ayaw ko,' subalit, pagkatapos nito nagbago ang kaniyang isip at pumunta siya. 30At ang taong ito ay pumunta sa kaniyang pangalawang anak at nagsabi ng ganoon din. Sumagot ang anak na ito at nagsabi, 'Ginoo, pupunta ako.' Ngunit hindi siya pumunta. 31Alin sa dalawang anak na lalaki ang sumunod sa kalooban ng kanilang ama?” Sabi nila, “Ang nauna.” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Totoo itong sinasabi ko sa inyo na ang mga maniningil ng buwis at ang mga babaing nagbebenta ng aliw ay mauunang makapasok sa kaharian ng Diyos bago kayo. 32Sapagkat si Juan ay pumunta sa inyo sa daan ng katuwiran, subalit hindi ninyo siya pinaniwalaan, samantalang ang mga maniningil ng buwis at mga nagbebenta ng aliw ay naniwala sa kaniya. At kayo, noong nakita ninyo na nangyari, hindi man lang kayo nagsisi pagkatapos nito upang maniwala sa kaniya.
Mga santo ng araw
- Mga Martir Focio at Aniceto at marami pang kasama nila (305-306)
- Ang mga Kagalang-galang na Martir ng Belogorsk: Barlaam, Sergio, Elias, Vyacheslav, Joasaf, Juan, Antonio, Mikias, Besarion, Mateo, Eutimio, Bernabe, Demetrio, Sabas, Hermogenes, Arcadio, Eutimio, Marcelo, Juan, Jacobo, Pedro, Jacobo, Alejandro, Teodoro, Pedro, Sergio at Alexis (1918)
- Paring Martir Basilio, pari
- Mga Paring Martir Leonides, Juan at Nicolas, mga pari (1937)
- Paring Martir Alejandro, Obispo ng Comana (ika-3 siglo)
- Mga Martir Panfilo at Capiton
Ang mga petsa ay ayon sa kalendaryong Juliano ng Simbahang Ruso (gaya ng mga Simbahang Serbiyo at Heorhiyano at ng Bundok Athos): ang Agosto 12 sa kalendaryo ng simbahan ay Agosto 25 sa sibil na kalendaryo. Ipinagdiriwang ng mga Simbahan sa bagong kalendaryo (Gresya, Romania, Bulgaria, Ukraine…) ang mga di-nagagalaw na kapistahan at ang mga santo sa mismong petsang sibil, 13 araw na mas maaga, at iba ang ilan sa kanilang mga pagbasa; pareho ang Pasko ng Pagkabuhay at ang mga araw na nakasalalay rito.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan