Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Agosto 2027 › Agosto 24
Kalendaryong Orthodox · Agosto 11 (lumang kalendaryo)
Mga pagbasang Ortodokso — Agosto 24, 2027
Martes · Ikasampung linggo pagkatapos ng Pentekostes · Tono 8
Mga kapistahan at mga santo
Pagkatapos ng Kapistahan ng Pagbabagong-anyo ng Panginoon
Pag-aayuno ng Pagkakatulog ng Theotokos
Pag-aayuno: lutong pagkain na walang langis
Ito ay ayon sa panuntunan ng monasteryo. Sa parokya, ang sukat ng pag-aayuno ay itinatakda kasama ng kumpesor, ayon sa kalusugan, edad at kalagayan.
Mga pagbasa sa araw na ito
Sulat
29Kung hindi nga, anong gagawin ng mga nabautismuhan para sa mga patay? Kung ang mga patay ay hindi na talaga bubuhayin, bakit nagpapabautismo para sa kanila? 30At bakit kami ay nanganganib bawat oras? 31Mga kapatid, sa aking pagmamalaki sa inyo, na kung anong mayroon ako kay Cristo Jesus na ating Panginoon, aking ipinahahayag ito: araw araw ako ay namamatay. 32Ano ang aking pakinabang, mula sa isang makataong pananaw, kung ako ay nakikipaglaban sa mga mababangis sa Efeso, kung ang mga patay ba ay hindi na bubuhayin? “Kumain na lang tayo at uminom sapagkat kinabukasan tayo ay mamamatay.” 33Huwag kayong padaya: “Ang masasamang kasama ay sumisira ng mabubuting ugali.” 34Magpakahinahon kayo! Mamuhay ng matuwid! Huwag ng magpatuloy na magkasala. Sapagkat ang ilan sa inyo ay walang kaalaman sa Diyos. Sinasabi ko ito upang mahiya kayo. 35Ngunit may magsasabi, “Paano bubuhayin ang mga patay? At anong klaseng katawan mayroon sila sa pagparito nila?” 36Kayo ay mga mangmang! Anumang inyong itinanim ay hindi ito lalago maliban sa ito ay mamamatay. 37At anumang inyong itinanim ay hindi gaya ng puno ng katawang kalalabasan, kundi binhi pa lang. Ito ay maaring trigo o ibang tanim. 38Ngunit ang Diyos ang magbibigay ng katawan nito ayon sa pagpili niya, at ang bawat binhi ay may sariling katawan.
Ebanghelyo
23Nang dumating si Jesus sa templo, pumunta sa kaniya ang mga punong pari at mga nakatatanda sa mga tao habang siya ay nagtuturo at sinabi nila sa kaniya, “Sa anong kapangyarihan ginawa mo ang mga bagay na ito? At sino ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihan na ito?” 24Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Ako rin ay magtatanong sa inyo ng isang tanong. Kung sasagutin ninyo ako, sasagutin ko rin kayo kung sa anong kapangyarihan ginawa ko ang mga bagay na ito. 25Ang bautismo ni Juan—saan ba ito galing, galing ba sa langit o sa mga tao?” Pinag-usapan nila ito sa kanilang mga sarili, na nagsasabi, “Kung sasabihin natin na, 'Nagmula sa langit,' sasabihin niya sa atin, 'Bakit hindi kayo naniwala sa kaniya?' 26Kung sasabihin natin na, 'Galing sa tao,' natatakot tayo sa mga tao, sapagkat kinikilala nila si Juan bilang isang propeta.” 27Sumagot sila kay Jesus at nagsabi, “Hindi namin alam.” Sinabi rin niya sa kanila, 'Kung gayon hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sa anong kapangyarihan ginawa ko ang mga bagay na ito.
Mga santo ng araw
- Martir Euplo, arkidiyakono (304)
- Martir Susana, birhen, at kasama niya sina Gaius na Papa ng Roma, Gabinio na pari, Claudio, Maximo, Prepedigna, Alejandro at Cufio (295-296)
- Mga Kagalang-galang na Martir Teodoro at Basilio ng mga Kuweba ng Kyiv (1098)
- Kagalang-galang na Teodoro, Prinsipe ng Ostroh, ng mga Kuweba ng Kyiv (c. 1438)
Ang mga petsa ay ayon sa kalendaryong Juliano ng Simbahang Ruso (gaya ng mga Simbahang Serbiyo at Heorhiyano at ng Bundok Athos): ang Agosto 11 sa kalendaryo ng simbahan ay Agosto 24 sa sibil na kalendaryo. Ipinagdiriwang ng mga Simbahan sa bagong kalendaryo (Gresya, Romania, Bulgaria, Ukraine…) ang mga di-nagagalaw na kapistahan at ang mga santo sa mismong petsang sibil, 13 araw na mas maaga, at iba ang ilan sa kanilang mga pagbasa; pareho ang Pasko ng Pagkabuhay at ang mga araw na nakasalalay rito.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan