Simula › Mga pagbasa ng Bibliya sa bawat araw › Abril 2027 › Abril 3
Kalendaryong Katoliko
Mga pagbasa sa Misa (Katoliko) — Abril 3, 2027
Sabado · Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay
Mga kapistahan at mga santo
Sabado sa Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay
Dakilang Kapistahan · Kulay ng liturhiya: puti
Mga pagbasa sa araw na ito
Unang Pagbasa
13Nang makita nila ang katapangan ni Pedro at Juan, at nabatid nila na sila ay pangkaraniwan lang, mga taong walang pinag-aralan, nagulat sila, at nalaman nilang sina Pedro at Juan ay nakasama ni Jesus. 14Dahil nakita nila ang lalaking gumaling na nakatayong kasama nila, wala silang masabi laban dito. 15Ngunit pagkatapos nilang utusan ang mga apostol na iwan ang pagpupulong ng konseho, nag-usap-usap sila. 16Sinabi nila, “Ano ang gagawin natin sa mga lalaking ito?” Dahil ang katotohanan na may kakaibang himalang nagawa sa pamamagitan nila ay nalaman ng lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem at hindi natin ito maipagkakaila. 17Ngunit upang hindi ito kumalat pa sa mga tao, bigyan natin sila ng babala na huwag magsasalita kaninuman sa pangalang ito.” 18Tinawag nila sina Pedro at Juan na pumasok at inutusan sila na huwag magsasalita o magtuturo kailan man sa pangalan ni Jesus. 19Ngunit sumagot sina Pedro at Juan at sinabi sa kanila, “Kung tama sa paningin ng Diyos na sundin kayo sa halip na siya, kayo na ang humatol. 20Dahil hindi namin kayang hindi magsalita tungkol sa mga bagay na aming nakita at narinig.” 21Pagkatapos muling balaan sina Pedro at Juan, pinayagan na nila silang umalis. Hindi sila makahanap ng anumang dahilan upang sila ay parusahan, sapagka't ang lahat ng mga tao ay nagpupuri sa Diyos dahil sa nangyari.
Salmong Tugunan
1Magpasalamat kay Yahweh, dahil siya ay mabuti, ang kaniyang katapatan sa tipan ay magpakailanman. 14Kalakasan at kagalakan ko si Yahweh, at siya ang nagligtas sa akin. 15Ang sigaw ng kagalakan ng tagumpay ay narinig sa mga tolda ng matuwid; ang kanang kamay ni Yahweh ay nananakop. 16Ang kanang kamay ni Yahweh ay itinaas; ang kanang kamay ni Yahweh ay nananakop. 18Pinarusahan ako ng malupit ni Yahweh; pero hindi niya ako inilagay sa kamatayan. 19Buksan para sa akin ang mga tarangkahan ng katuwiran; papasok ako sa kanila at magpapasalamat kay Yahweh. 20Ito ang tarangkahan ni Yahweh; ang mga matuwid ay papasok dito. 21Ako ay magpapasalamat sa iyo dahil sinagot mo ako, at ikaw ang naging kaligtasan ko.
Ebanghelyo
9Maaga sa unang araw ng linggong iyon, matapos siyang bumangon, una siyang nagpakita kay Maria Magdalena, na mula sa kaniya napalayas niya ang pitong demonyo. 10Umalis si Maria Magdalena at sinabi sa mga kasama niya, habang nagluluksa sila at umiiyak. 11Narinig nilang buhay si Jesus at nakita niya ito ngunit hindi sila naniwala. 12Matapos ng mga pangyayaring ito, nagpakita siya sa kakaibang anyo sa dalawa pang tao, habang naglalakad sila palabas ng bayan. 13Pumunta sila at nagbalita sa iba pang mga alagad ngunit hindi sila naniwala sa kanila. 14Sa ibang pagkakataon, nagpakita si Jesus sa labing-isa habang nakasandal sila sa hapag, at sinaway sila dahil sa kanilang kawalan ng pananampalataya at katigasan ng puso, dahil hindi sila naniniwala sa mga nakakita sa kaniya matapos siyang bumangon mula sa mga patay. 15Sinabi niya sa kanila, “Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ang mabuting balita sa lahat ng nilikha.
Ang Pangkalahatang Kalendaryong Romano; maaaring ilipat ng kumperensiya ng mga obispo ang ilang pagdiriwang (Epipanya, Pag-akyat sa Langit, Corpus Christi) sa Linggo o magdagdag ng sarili nila. Leksiyonaryo: siklo ng Linggo B, taon ng karaniwang araw I.
Mga pinagkunan: Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 · Mga pinagkunan at karapatan