Bible Explorer

Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Si Solomon

Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Si Solomon

Ang pagkamatay ni Solomon

1 Hari 11:41–43 · 2 Cro 9:29–31

1 Mga Hari

1 Hari 11:41–43

41Para sa ibang mga bagay tungkol kay Solomon, lahat ng kaniyang mga ginawa at ang kaniyang karunungan, hindi ba nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ni Solomon?

42Naghari si Solomon sa buong Israel sa loob ng apatnapung taon.

43Natulog siya kasama ang kaniyang mga ninuno, at inilibing siya sa lungsod ng kaniyang amang si David. Ang kaniyang anak na lalaki na si Rehoboam ang humalili sa kaniya bilang hari.

2 Mga Cronica

2 Cro 9:29–31

29Ang iba pang mga pangyayari tungkol kay Solomon mula sa simula hanggang sa wakas, hindi ba ito nakasulat sa Kasaysayan ni Propeta Natan at sa Pahayag ni Ahias na taga-Shilo at sa mga Pangitain ni Propeta Iddo tungkol kay Reboam na anak ni Nebat?

30Naghari si Solomon sa Jerusalem sa buong Israel ng apatnapung taon.

31At namatay siya at inilibing ng mga tao sa lungsod ni David na kaniyang ama. Si Rehoboam na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY