Bible Explorer

Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Si Solomon

Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Si Solomon

Ang mga kabayo at kayamanan ni Solomon

1 Hari 10:26–29 · 2 Cro 1:14–17

1 Mga Hari

1 Hari 10:26–29

26Sama-samang tinipon ni Solomon ang mga karwahe at mga mangangabayo. Mayroon siyang 1,400 na mga karwahe at labing dalawang libong mangangabayo na inihimpil niya sa mga lungsod ng mga karwahe at sa kaniyang sarili sa Jerusalem.

27Napakaraming pilak ang hari sa Jerusalem, kasing dami ng mga bato sa lupa. Ginawa niyang sagana ang mga kahoy na cedar gaya ng mga punong sikamoreng igos na nasa mabababang lupain.

28Nagmamay-ari si Solomon ng mga kabayo na nanggaling sa Ehipto at Cilicia. Ang mga mangangalakal ng hari ay binili ang mga iyon sa kawan, bawat isang kawan ay may halaga.

29Ang mga karwahe ay binili sa labas ng Ehipto sa halagang animnaraang siklo ng pilak bawat isa, at mga kabayo ng 150 siklo bawat isa. Pagkatapos karamihan sa mga ito ay ipinagbili sa lahat ng mga hari ng mga Heteo at Arameo.

2 Mga Cronica

2 Cro 1:14–17

14Nagtipon si Solomon ng mga karwahe at mangangabayo: at nagkaroon siya ng 1,400 na mga karwahe at labindalawang libong mangangabayo na inilagay niya sa lungsod na pinag-iimbakan ng mga karwahe, at sa kaniya rin, na hari ng Jerusalem.

15Ginawa ng hari ang pilak at ginto na pangkaraniwan sa Jerusalem na parang mga bato at ginawa niyang pangkaraniwan ang sedar na kahoy tulad ng mga puno ng sikamorong nasa mababang mga lupain.

16Sa pag-aangkat ng mga kabayo mula sa Ehipto at Cilicia para kay Solomon, binili ng kaniyang mga mangangalakal ang mga ito mula sa Cilicia sa mataas na halaga.

17Nag-angkat sila ng karwahe mula sa Ehipto sa halagang anim na raang siklong pilak at kabayo sa halagang 150 siklo. Iniluluwas din nila ang mga ito sa mga hari ng Heteo at sa mga Arameo.

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY