Bible Explorer

Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Ang mga hari ng Juda

Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Ang mga hari ng Juda

Ang wakas ni Joas

2 Hari 12:17–21 · 2 Cro 24:23–27

2 Mga Hari

2 Hari 12:17–21

17Sa panahong iyon, nilusob at nilabanan ni Hazael hari ng Aram ang Gat, at sinakop ito. Pagkatapos tinangkang lusubin ni Hazael ang Jerusalem.

18Kaya kinuha ni Joas hari ng Juda ang lahat ng kasangkapan na itinalaga nina Jehosafat at Joram at Ahazias, ang kaniyang mga ninuno, mga hari ng Juda, para kay Yahweh, ang kaniyang sariling mga banal na kasangkapan, at lahat ng ginto na makikita sa mga imbakan sa tahanan ni Yahweh at ng hari; ipinadala niya ang mga ito kay Hazael ang hari ng Aram. Pagkatapos umalis na si Hazael mula sa Jerusalem.

19Ang iba pang bagay tungkol kay Joas, lahat ng kaniyang ginawa, hindi ba nasusulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda?

20Nag-alsa at sama-samang nagplano ang kaniyang mga lingkod; nilusob nila si Joas sa tahanan sa Millo, sa daan papunta ng Sila.

21Si Josacar, anak ni Semiat, at Jehozabad anak ni Somer, na kaniyang lingkod, ay sinalakay siya at siya ay namatay. Inilibing nila si Joas kasama ng kaniyang mga ninuno sa lungsod ni David, at si Amasias, na kaniyang anak, ang naging hari kapalit niya.

2 Mga Cronica

2 Cro 24:23–27

23At nangyari, sa katapusan ng taon na ang hukbo ng Aram ay dumating laban kay Joas. Pumunta sila sa Juda at Jerusalem, pinatay nila lahat ng mga pinuno ng mga tao at ipinadala ang lahat ng kanilang ninakaw sa hari ng Damasco.

24Pumunta ang hukbo ng mga Arameo na may munting bilang, ngunit ibinigay sa kanila ni Yahweh ang katagumpayan laban sa isang nakapalaking hukbo dahil tinalikuran ng taga-Juda si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno. Sa paraang ito, ang mga Arameo ang nagdala ng hatol kay Joas.

25Nang nakaalis na ang mga Arameo, malubhang nasugatan si Joas. Nagsabuwatan ang kaniyang sariling mga lingkod laban sa kaniya dahil sa pagpatay sa mga anak ng paring si Joiada. Siya ay pinatay nila sa kaniyang higaan, at namatay siya. Siya ay inilibing nila sa lungsod ni David, ngunit hindi sa mga libingan ng mga hari.

26Ito ang mga taong nagsabuwatan laban sa kaniya, si Sabad na anak ni Simeat na Ammonita at si Jehosabad na anak ni Simrit na Maobita.

27Ngayon ang kasaysayan tungkol sa kaniyang mga anak, ang mahalagang mga propesiya na sinabi tungkol sa kaniya, at ang muling pagtatayo ng tahanan ng Diyos, tingnan, nakasulat ang mga ito sa Ang Paliwanag sa Aklat ng mga Hari. At si Amazias na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY