Bible Explorer

Tuklasin › Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi › Ang mga hari ng Juda

Mga Hari at Mga Cronica nang magkakatabi · Ang mga hari ng Juda

Ipinaayos ni Joas ang templo

2 Hari 12:1–16 · 2 Cro 24:1–14

2 Mga Hari

2 Hari 12:1–16

1Sa ikapitong taon ni Jehu, nagsimulang maghari si Joas; naghari siya sa loob ng apatnapung taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay si Sibia, na taga-Beerseba.

2Ginawa ni Joas kung ano ang matuwid sa mga mata ni Yahweh sa lahat ng oras dahil tinuturuan siya ni Jehoiada ang pari.

3Pero ang mga dambana ay hindi niya pinagiba. Ang mga tao ay patuloy pa ring naghahandog at nagsusunog ng insenso roon.

4Sinabi ni Joas sa mga pari, “Lahat ng salapi para sa mga kagamitan na nabibilang kay Yahweh at ang mga dinala sa tahanan ni Yahweh, ang buwis na naitala, at lahat ng salapi na ibinigay para sa templo ng mga taong inudyukan ni Yahweh na magbigay—

5ang mga salaping ito ay iipunin ng mga pari, bawat isa sa kanila mula sa nagbabayad ng buwis, at gagamitin nila ito para ayusin ang templo kapag may kailangang ayusin.

6Pero sa dalawampu't tatlong taon na paghahari ni Haring Joas, wala pang kahit anong naipaaayos ang mga pari sa templo.

7Kaya tinawag ni Haring Joas si Jehoiada at ang ibang mga pari; sinabi niya sa kanila, “Bakit wala pa kayong naipaaayos sa templo? Ngayon hindi na kayo ang kukuha ng salapi sa mga nagbabayad ng buwis, pero kunin ninyo ang mga nakolekta para sa pagpapaayos ng templo at ibigay ninyo ito sa mga makakapag-ayos.

8Kaya sumang-ayon ang mga pari na hindi na sila tatanggap ng salapi mula sa mga tao at hindi na rin sila ang mag-aayos ng templo.

9Sa halip, kumuha si Joiada ang pari ng isang baul, binutasan niya ang takip nito, at inilagay ito sa gilid ng altar, sa kanang bahagi kung saan dumaraan ang tao patungo sa tahanan ni Yahweh. Lahat ng mga paring nagbabantay sa pasukan sa templo ay inilagay dito ang lahat ng salapi na dinala sa tahanan ni Yahweh.

10Kapag nakikita nila na marami ng laman ang baul, lalapit ang mga eskriba ng hari at punong pari at ilalagay sa mga lalagyan ang salapi at bibilangin ito, ang salaping nakuha nila sa templo ni Yahweh.

11Ibinigay nila ang salaping tinimbang sa mga kamay ng mga kalalakihang nangalaga sa templo ni Yahweh. Ibinayad nila ito sa mga karpentero at mga manggagawa na nagtatrabaho sa templo ni Yahweh,

12at sa mga mason at nagtatapyas ng bato para ipambili ng kahoy at batong tinapyas para ayusin ang templo ni Yahweh, at para sa lahat ng dapat bayaran para maayos ito.

13Pero ang mga salaping dinala sa tahanan ni Yahweh ay hindi ginamit para sa paggawa ng mga kopang pilak, mga pantabas ng mitsa, mga mangkok, mga trumpeta o anumang kasangkapan na gawa sa ginto o pilak.

14Binigay nila ang salapi para sa mga nag-aayos ng tahanan ni Yahweh.

15Bilang karagdagan, hindi na nila hinihingan ng ulat tungkol sa salapi na pampaggawa ang mga taong nakatanggap at nagbayad nito sa mga manggagawa, dahil ang mga taong ito ay matatapat.

16Pero ang mga handog para pambayad sa kasalanan at ang handog para sa kapatawaran ng kasalanan ay hindi dinala sa templo ni Yahweh, dahil ang mga ito ay para sa mga pari.

2 Mga Cronica

2 Cro 24:1–14

1Pitong taong gulang si Joas nang magsimulang maghari; naghari siya ng apatnapung taon sa Jerusalem. Sibias ang pangalan ng kaniyang ina na taga-Beer-seba.

2Ginawa ni Joas kung ano ang matuwid sa mata ni Yahweh sa lahat ng araw ni Joiada na pari.

3Ikinuha siya ni Joiada ng dalawang asawa at naging ama siya ng mga anak na lalaki at mga babae.

4At nangyari pagkatapos nito, na si Joas ay nagpasya na muling itayo ang tahanan ni Yahweh.

5Tinipon niya ang mga pari at mga Levita at sinabi sa kanila, “Pumunta kayo taun-taon sa mga lungsod ng Juda at kolektahin ang pera mula sa lahat ng Israelita upang isaayos ang tahanan ng inyong Diyos. Tiyakin ninyo na masimulan ninyo kaagad.” Noong una, walang ginawa ang mga Levita.

6Kaya ipinatawag ng hari si Joiada, ang pinakapunong pari, at sinabi sa kaniya, “Bakit hindi mo inatasan ang mga Levita na kunin mula sa Juda at Jerusalem ang buwis na ipinataw ni Moises, ang lingkod ni Yahweh, at ng kapulungan ng Israel, para sa tolda ng tipanan?”

7Sapagkat giniba ng mga anak ni Atalia, na masamang babae, ang tahanan ng Diyos at ibinigay sa mga Baal ang lahat ng kagamitan na inilaan sa tahanan ni Yahweh.

8Kaya nag-utos ang hari, at gumawa sila ng isang kaban at inilagay ito sa labas sa may pasukan sa tahanan ni Yahweh.

9At gumawa sila ng proklamasyon sa buong Juda at Jerusalem, para sa mga tao upang dalhin kay Yahweh ang buwis na ipinataw ni Moises na lingkod ng Diyos sa Israel sa ilang.

10Nagalak ang lahat ng pinuno at lahat ng tao at dinala ang pera at inilagay sa kaban, hanggang sa napuno nila ito.

11At nangyari na sa tuwing dinadala ng mga Levita ang kaban sa mga opisyal ng hari, at sa tuwing nakikita nila na maaraming perang nasa loob nito, darating ang mga eskriba ng hari at ang opisyal ng pinakapunong hari, aalisin nila ang laman ng kaban at dadalhin nila at ibabalik sa kinalalagyan nito. Ginagawa nila ito araw-araw, at nakakalikom sila ng malaking halaga ng pera.

12Ibinigay ng hari at ni Joiada ang pera sa mga gumawa ng gawaing paglilingkod sa tahanan ni Yahweh. Umupa ang mga lalaking ito ng mga kantero at mga karpintero upang ibalik sa dating kalagayan ang tahanan ni Yahweh, at maging ang mga gumagawa gamit ang bakal at tanso.

13Kaya nagtrabaho ang mga manggagawa, at umusad ang gawaing pag-aayos sa pamamagitan ng kanilang mga kamay; itinayo nila ang tahanan ng Diyos sa dati nitong disenyo at pinatibay ito.

14Nang kanilang matapos, dinala nila ang natirang pera sa hari at kay Joiada. Ang perang ito ay ginamit sa paggawa ng muwebles para sa bahay ni Yahweh, mga kasangkapan sa paglilingkod at paghahandog, mga sandok at mga kasangkapang ginto at pilak. Patuloy silang nag-alay ng mga handog na susunugin sa tahanan ni Yahweh sa lahat ng mga araw ni Joiada.

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY