12Ngayon sinabihan si Haring David, “Pinagpala ni Yahweh ang bahay ni Obed Edom at lahat ng bagay na pag-aari niya dahil sa kaban ng Diyos.” Kaya pumunta si David at dinala ang kaban ng Diyos mula sa bahay ni Obed Edom patungo sa lungsod ni David nang may kagalakan.
13Nang nakaanim na hakbang ang mga nagdadala ng kaban ni Yahweh, nag-alay siya ng isang toro at isang matabang baka.
14Sumayaw si David sa harapan ni Yahweh nang ng kaniyang buong kalakasan; nagsuot lamang siya ng isang linong epod.
15Kaya dinala ni David at ng buong kabahayan ng Israel ang kaban ni Yahweh na may sigawan at tunog ng mga trumpeta.
16Ngayon pagdating ng kaban ni Yahweh sa loob ng lungsod ni David, dumungaw sa labas ng bintana si Mical, na babaeng anak ni Saul. Nakita niya si Haring David na tumatalon at sumasayaw sa harapan ni Yahweh. Pagkatapos kinamuhian niya siya sa kaniyang puso.
17Dinala nila sa loob ang kaban ni Yahweh at inilagay ito sa kaniyang lugar, sa gitna ng tolda na ipinatayo ni David para dito. Pagkatapos naghandog si David ng mga sinunog na handog at handog para sa pagtitipon-tipon sa harapan ni Yahweh.
18Nang matapos si David sa pag-aalay ng sinunog na mga handog at mga handog para sa pagtitipon-tipon, pinagpala niya ang mga tao sa pangalan ni Yahweh ng mga hukbo.
19Pagkatapos namahagi siya sa mga tao, sa kabuuang dami ng Israel, sa mga lalaki at mga babae, ng isang buong tinapay, isang piraso ng karne, at isang mamong pasas. Pagkatapos umalis ang lahat ng mga tao; at bumalik ang bawat isa sa kanilang sariling bahay.