1Ngayon sama-samang tinipon muli ni David ang lahat ng mga kalalakihan ng Israel na pinili niya, na tatlumpung libo.
2Tumayo si David at umalis kasama ang lahat niyang mga kalalakihan na sumama sa kaniya mula sa Baala sa Juda para dalhin ang kaban ng Diyos, na tinawag sa pamamagitan ng pangalan ni Yahweh ng mga hukbo, na nakaupo sa kadakilaan ng buong kerubin.
3Nilagay nila ang kaban ng Diyos sa isang bagong kariton. Inilabas nila ito sa bahay ni Abinadab, na naroon sa isang burol. Pinapatnubayan nina Uzza at Ahio, kaniyang mga lalaking anak, ang bagong kariton.
4Inilabas nila ang kariton sa bahay ni Abinadab sa ibabaw ng burol kasama ang kaban ng Diyos nito. Naglalakad si Ahio sa harapan ng kaban.
5Pagkatapos nagsimulang magdiwang si David at ang buong sambahayan ng Israel sa harapan ni Yahweh, nagdiriwang gamit ang mga instrumentong gawa sa pinong kahoy, mga alpa, mga kudyapi, mga tamburin, mga kalansing, at mga pompyang.
6Nang dumating sila sa giikang sahig ni Nacon, natumba ang mga toro, at inabot ni Uzza ang kaniyang kamay para damputin ang kaban ng Diyos, at nakuha niya ito.
7Pagkatapos ang galit ni Yahweh ang sumunog kay Uzza. Sinunog siya ng Diyos doon dahil sa kaniyang kasalanan. Namatay si Uzza roon sa tabi ng kaban ng Diyos.
8Nagalit si David dahil pinarusahan ni Yahweh si Uzza, at tinawag niya ang pangalan ng lugar na iyon na Perez Uzza. Hanggang sa araw na ito tinatawag ang lugar na iyon na Perez Uzza.
9Sa araw na iyon natakot si David kay Yahweh. Sinabi niya, “Paano mapupunta sa akin ang kaban ni Yahweh?”
10Kaya hindi pumayag si David na dalhin niya ang kaban ni Yahweh papasok sa lungsod ni David. Sa halip, inilagay niya ito sa tabi ng bahay ni Obed Edom na taga-Gat.
11Nanatili ang kaban ni Yahweh sa bahay ni Obed Edom na taga-Gat nang tatlong buwan. Kaya pinagpala siya ni Yahweh at ang kaniyang buong sambahayan.