Bible Explorer

Tuklasin › Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi › Sa Galilea

Ang mga Ebanghelyo nang magkakatabi · Sa Galilea

Ang lingkod ng senturion

Mat 8:5–13 · Luc 7:1–10

Mateo

Mat 8:5–13

5Pagpasok ni Jesus sa Capernaum, isang senturion ang lumapit at kumausap sa kaniya

6na nagsasabin, “Panginoon, ang aking lingkod ay nakaratay sa bahay, paralisado at lubhang nahihirapan.”

7Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Pupunta ako at pagagalingin ko siya.”

8Sumagot ang senturion at sinabing, “Panginoon, hindi ako karapat-dapat na papasukin ka sa ilalim ng aking bubong, sabihin mo lamang ang salita at gagaling na ang aking lingkod.

9Sapagkat ako ma'y isang taong nasa ilalim ng kapangyarihan at may mga kawal ako na napapasailalim sa akin. Sinasabi ko sa isa, 'Humayo ka' at siya ay humayo, sa isa 'Halika' at siya ay lalapit at sa aking lingkod 'Gawin mo ito' at ginawa nga niya.”

10Nang marinig ito ni Jesus, siya ay namangha at kaniyang sinabi sa mga taong sumusunod sa kaniya, “Totoo ito sasabihin ko sa inyo, hindi pa ako nakakita ng may ganitong pananampalataya sa Israel.

11Sinasabi ko sa inyo, maraming darating mula sa silangan at kanluran at sila ay sasandal sa mesa ni Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng langit.

12Ngunit ang mga anak ng kaharian ay ipatatapon sa kadiliman sa labas na kung saan may pagtangis at pagngangalit ng ngipin.”

13Sinabi ni Jesus sa senturion, “Humayo ka! Mangyari sa iyo ang naaayon sa iyong pinaniwalaan.” At gumaling nga ang kaniyang lingkod sa ganap na oras na iyon.

Lucas

Luc 7:1–10

1Pagkatapos ng lahat ng mga bagay na sinabi ni Jesus sa mga taong nakikinig, pumunta siya sa Capernaum.

2Isang alipin ng senturion, na mahalaga sa kaniya ang may malubhang sakit at nasa bingit na ng kamatayan.

3Ngunit nang mabalitaan ang tungkol kay Jesus, nagsugo ang senturion sa kaniya ng mga nakatatanda ng mga Judio upang pakiusapan siya na pumunta at iligtas sa kamatayan ang kaniyang alipin.

4Nang malapit na sila kay Jesus, taimtim silang nakiusap sa kaniya, na nagsasabi, “Karapat-dapat na gawin mo ito sa kaniya,

5dahil mahal niya ang aming bansa, at isa siya sa nagtayo ng sinagoga para sa amin.”

6Kaya si Jesus ay nagpatuloy sa kaniyang lakad kasama nila. Ngunit nang malapit na siya sa bahay, ang senturion ay nagpadala ng mga kaibigan para sabihin sa kaniya, “Panginoon, huwag na kayong mag-abala, dahil hindi ako karapat-dapat na puntahan sa aking tahanan.

7Sa dahilang ito, hindi ko rin inisip na karapat-dapat ako na humarap man lamang sa iyo, magbigay lang kayo ng salita at gagaling na ang aking alipin.

8Sapagkat ako rin ay isang tao na itinalaga sa ilalim ng isang may kapangyarihan at may mga kawal sa ilalim ko. Kapag sinabi ko sa isa, 'Pumunta ka,' pupunta siya roon, at sa isa naman, 'Halika,' at lumalapit siya, at sa aking alipin, 'Gawin mo ito,' ginagawa niya ito.''

9Nang marinig ito ni Jesus, siya ay namangha sa kaniya, at habang humarap sa mga maraming taong sumusunod sa kaniya, sinabi niya, “Sinasabi ko sa inyo, hindi pa ako nakakita ng may ganitong kalaking pananampalataya kahit na sa Israel.”

10Pagkatapos, bumalik sa bahay ang mga isinugo at natagpuang magaling na ang alipin.

May marka: ang mga salitang nasa lahat ng salaysay, sa saling binabasa mo. Hindi minamarkahan ang pinakamadalas na salita (“at”, “siya”); maaaring walang marka ang salitang nasa ibang anyo.

Tagalog Unlocked Literal Bible · Pinili nang mano-mano mula sa teksto ang mga kahanay at sinuri sa mga cross reference ng OpenBible.info (CC BY). Tanging iisang pangyayari o pananalita lang ang pinagtatabi. OpenBible.info · CC BY