Bible Explorer

Bibliya › Mga Awit › 130

ULB · Kabanata 130 / 150

Mga Awit 130

1Yahweh, mula sa kailaliman ako ay umiiyak sa iyo.

2Panginoon, pakinggan mo ang aking boses; hayaan ang iyong mga tainga na tumuon sa aking mga pagsusumamo ng iyong awa.

3Yahweh, kung tatandaan mo ang mga kasamaan, Panginoon, sino ang makatatagal?

4Pero mayroong kapatawaran sa iyo, para ikaw ay sambahin.

5Naghihintay ako para kay Yahweh, naghihintay ang aking kaluluwa, at sa kaniyang salita ako ay umaasa.

6Naghihintay ang aking kaluluwa para sa Panginoon ng higit kaysa sa tagabantay na naghihintay na mag-umaga.

7O Israel, umasa ka kay Yahweh. Si Yahweh ay maawain, at siya ay labis na nagnanais magpatawad.

8Siya ang tutubos sa Israel mula sa lahat ng kanilang mga kasalanan.

Tagalog Unlocked Literal Bible (ULB, 2018) · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0 (walang binago sa teksto; hindi kasama ang mga talababa at pamagat) · eBible.org