Simula › Ang sinasabi ng Bibliya › Tukso
Mahihirap na panahon
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Tukso
Ang mga talatang pinakamadalas balikan ng mga mambabasa para sa paksang ito (12), sinipi nang buo mula sa Tagalog Unlocked Literal Bible.
1 Cor 10:13
Walang tukso ang dumating sa inyo na hindi pangkaraniwan sa lahat ng tao. Sa halip, tapat ang Diyos. Hindi kayo hahayaan ng Diyos na matukso ng higit sa inyong kakayanan. Sa pamamagitan ng tukso ay siya din ang magbibigay ng paraan para makatakas, upang inyo ngang makayanan ang mga ito.Mat 26:41
Magbantay kayo at manalangin upang hindi kayo matukso. Ang espiritu ay nagnanais, ngunit ang laman ay mahina.”Sant 4:7
Kaya, magpasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayo siya sa inyo.Heb 2:18
Dahil si Jesus mismo ay naghirap, noong siya ay tinukso, kaya niyang tulungan ang mga natukso.Mat 6:13
At huwag mo kaming dalhin sa tukso, ngunit iligtas mo mula sa masama.Efe 6:11
Isuot ninyo ang buong baluti ng Diyos, upang sa ganoon maaari ninyong malabanan ang mga mapanlinlang na mga balak ng diablo.Sant 1:12
Pinagpala ang tao na nagtitiis sa pagsubok, sapagkat pagkatapos niyang mapagtagumpayan ang pagsubok, makakatanggap siya ng korona ng buhay, na ipinangako sa mga nagmamahal sa Diyos.Luc 22:40
Nang dumating sila, sinabi niya sa kanila, “Ipanalangin ninyo na hindi kayo matukso.”1 Tim 6:9
Ngayon sa mga gustong yumaman mahuhulog sila sa tukso, sa isang bitag. Sila ay mahuhulog sa kamangmangan at masamang pagnanasa, at sa anumang sisira at wawasak sa mga tao.1 Cor 6:18
Lumayo sa sekswal na imoralidad! “Ang ibang kasalanan na nagagawa ng tao ay labas sa katawan,” ngunit ang mahalay na tao ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling katawan.Heb 4:15
Sapagkat wala tayong pinaka-punong pari na hindi makakaramdam ng pagkahabag sa ating mga kahinaan, ngunit siya ay tinukso sa lahat ng paraan tulad natin, maliban lang na wala siyang kasalanan.Mar 14:38
Magbantay kayo at manalangin na hindi kayo matukso. Tunay na ang espiritu ay nakahandang sumunod, ngunit mahina ang laman.”Ito ang mga talatang madalas balikan ng mga mambabasa sa paksang ito — hindi isang aral tungkol dito. Basahin ang bawat isa sa kabanata nito.
Mga pinagkunan
Ang mga talata ng bawat paksa at ang pagkakasunod-sunod nila: datos ng mga paksa ng OpenBible.info, ayon sa boto ng mga mambabasa: OpenBible.info · CC BY 4.0
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0