Bible Explorer

Simula › Ang sinasabi ng Bibliya › Wasak na puso

Mahihirap na panahon

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Wasak na puso

Ang mga talatang pinakamadalas balikan ng mga mambabasa para sa paksang ito (13), sinipi nang buo mula sa Tagalog Unlocked Literal Bible.

Awit 147:3Ibinabalik niya ang mga taong dinala sa ibang bayan. Pinalalakas niya ulit ang mga pinanghihinaan ng loob at pinagagaling ang kanilang mga sugat.
Awit 34:18Si Yahweh ay malapit sa mga wasak ang puso, at inililigtas niya ang mga nadurog ang espiritu.
Pah 21:4Papahirin niya ang bawat luha mula sa kanilang mga mata, wala nang kamatayan, o pagdadalamhati, o pag-iyak, o sakit. Ang naunang mga bagay ay lumipas na.
Juan 14:27Kapayapaan ang iiwan ko sa inyo; ibinibigay ko ang aking kapayapaan sa inyo. Hindi ko ito ibinibigay katulad ng pagbibigay ng mundo. Huwag hayaang mabalisa ang inyong puso, at huwag ito hayaang matakot.
Awit 73:26Humina man ang aking katawan at ang aking puso, pero ang Diyos ang lakas ng aking puso magpakailanman.
1 Ped 5:10Pagkatapos ninyong magdusa sa sandaling panahon, ang Diyos ng lahat ng biyaya, na tumawag sa inyo sa walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, ang siyang magbibigay sa inyo ng kaganapan, magpapatibay at magpapalakas sa inyo.
Awit 55:22Ilagay mo ang iyong pasanin kay Yahweh, at ikaw ay kaniyang aalalayan; hindi niya papayagang sumuray- suray sa paglalakad ang taong matuwid.
2 Cor 4:9Inuusig kami ngunit hindi pinabayaan. Hinahampas kami ngunit hindi nasira.
Nah 1:7Si Yahweh ay mabuti, isang tanggulan sa panahon ng kaguluhan at tapat siya sa mga naglalagak ng kanilang tiwala sa kaniya.
Awit 51:17Ang mga alay na karapat-dapat sa Diyos ay isang basag na kalooban. Hindi mo hahamakin, O Diyos, ang isang basag at nagsisising puso.
Isa 61:1Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin, dahil hinirang ako ni Yahweh para ipahayag ang mabuting balita sa mapagpakumbaba. Sinugo niya ako para pagalingin ang sugatang-puso, para ipahayag ang kalayaan sa mga nakabilanggo, at ang pagbubukas ng bilangguan sa mga nakagapos.
Awit 39:12Pakinggan mo ang aking dalangin, Yahweh, makinig ka sa akin, makinig ka sa aking pag-iyak! Huwag kang maging bingi sa akin, dahil tulad ako ng isang dayuhang kasama ninyo, isang nangibang-bayan tulad ng lahat ng aking mga ninuno.
Kaw 12:25Ang pangamba sa puso ng tao ay nagpapabigat sa kaniya, ngunit nagpapagalak ang mabuting salita.

Ito ang mga talatang madalas balikan ng mga mambabasa sa paksang ito — hindi isang aral tungkol dito. Basahin ang bawat isa sa kabanata nito.

Mga pinagkunan

Ang mga talata ng bawat paksa at ang pagkakasunod-sunod nila: datos ng mga paksa ng OpenBible.info, ayon sa boto ng mga mambabasa: OpenBible.info · CC BY 4.0

Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0