Simula › Ang sinasabi ng Bibliya › Lakas
Mahihirap na panahon
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Lakas
Ang mga talatang pinakamadalas balikan ng mga mambabasa para sa paksang ito (10), sinipi nang buo mula sa Tagalog Unlocked Literal Bible.
Isa 40:31
pero silang naghihintay kay Yahweh ay panunumbalikin ang kanilang kalakasan; pumailanglang sila ng may pakpak tulad ng mga agila; sila ay tatakbo at hindi manghihina; sila ay maglalakad at hindi mahihimatay.Fil 4:13
Magagawa ko ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan niya na nagpapalakas sa akin.Awit 18:32–34
Ang Diyos ang nagbibigay ng lakas sa akin tulad ng isang sinturon, na nagdadala sa isang matuwid na tao sa kaniyang landas. Pinabibilis niya ang aking mga paa na parang isang usa at inilalagay niya ako sa kabundukan! Sinasanay niya ang aking mga kamay para sa digmaan at ang aking mga braso para matutong gumamit ng tansong pana.Hab 3:19
Ang Panginoong Yahweh ang aking lakas, at ginagawa niya ang aking paa na tulad ng paa ng usang babae at pinangungunahan ako sa aking mga lugar na matataas! —Sa direktor ng musika, sa aking mga instrumentong may kuwerdas.Isa 41:10
Huwag kang matakot, sapagkat ako ay kasama mo. Huwag kang mabalisa, sapagkat ako ang iyong Diyos. Pagtitibayin kita, at tutulungan kita, at aalalayan kita sa pamamagitan ng aking kanang kamay ng aking marapat na tagumpay.1 Cro 22:13
At magtatagumpay ka, kung maingat mong susundin ang mga tuntunin at mga kautusan na ibinigay ni Yahweh kay Moises para sa Israel. Maging matatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matakot o panghinaan ng loob.Efe 6:10
Sa wakas, magpakatatag kayo sa Panginoon at sa kalakasan ng kaniyang kapangyarihan.Awit 73:26
Humina man ang aking katawan at ang aking puso, pero ang Diyos ang lakas ng aking puso magpakailanman.1 Cro 16:11
Hanapin si Yahweh at ang kaniyang kalakasan; patuloy na hanapin ang kaniyang presensiya.Deut 31:6
Magpakatatag at magpakatapang, huwag matakot, at huwag matakot sa kanila; sapagkat si Yahweh na inyong Diyos, ang siyang sasama sa inyo; hindi niya kayo bibiguin ni pababayaan.”Ito ang mga talatang madalas balikan ng mga mambabasa sa paksang ito — hindi isang aral tungkol dito. Basahin ang bawat isa sa kabanata nito.
Mga pinagkunan
Ang mga talata ng bawat paksa at ang pagkakasunod-sunod nila: datos ng mga paksa ng OpenBible.info, ayon sa boto ng mga mambabasa: OpenBible.info · CC BY 4.0
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0