Simula › Ang sinasabi ng Bibliya › Pagdurusa
Mahihirap na panahon
Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Pagdurusa
Ang mga talatang pinakamadalas balikan ng mga mambabasa para sa paksang ito (10), sinipi nang buo mula sa Tagalog Unlocked Literal Bible.
Roma 8:18
Sapagkat itinuturing ko na ang mga pagdurusa sa panahong ito ay hindi karapat-dapat na ihalintulad sa kaluwalhatian na maihahayag sa atin.Pah 21:4
Papahirin niya ang bawat luha mula sa kanilang mga mata, wala nang kamatayan, o pagdadalamhati, o pag-iyak, o sakit. Ang naunang mga bagay ay lumipas na.Roma 5:3–5
Hindi lamang ito, ngunit nagagalak din tayo sa ating mga pagdurusa. Alam natin na ang pagdurusa ay nagbubunga ng pagtitiis. Ang pagtitiis ay nagbubunga ng pagsang-ayon, at ang pagsang-ayon ay nagbubunga ng katiyakan para sa hinaharap. Hindi mangbibigo ang pananalig na ito, dahil ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, na siyang ibinigay sa atin.Sant 1:2–4
Ituring ninyong kagalakan ito mga kapatid, kung nakakaranas kayo ng ibat-ibang kaguluhan, dahil nalalaman ninyo na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay nagdudulot ng pagtitiis. Hayaan ang pagtitiis na tapusin ang kaniyang gawa, upang kayo ay ganap na lumago, na walang kakulangan.2 Cor 4:17
Sapagkat, ang panandalian at bahagyang pagdadalamhati na ito ay naghanda sa amin para sa walang hanggang bigat ng kaluwalhatian na hindi masukat.Awit 41:3
Si Yahweh ang aalalay sa kaniya sa higaan ng paghihirap; gagawin mong higaan ng kagalingan ang kaniyang higaan ng karamdaman.Job 30:17
Sa gabi sinasaksak ang aking mga buto sa loob ng aking katawan; ang mga sakit na nagpapahirap sa akin ay walang kapahingahan.1 Ped 5:10
Pagkatapos ninyong magdusa sa sandaling panahon, ang Diyos ng lahat ng biyaya, na tumawag sa inyo sa walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, ang siyang magbibigay sa inyo ng kaganapan, magpapatibay at magpapalakas sa inyo.1 Ped 4:12–13
Mga minamahal, huwag ninyong isiping kataka-taka ang masidhing pagsubok na dumarating sa inyo, na parang hindi ito pangkaraniwan sa inyo. Pero tulad ng pagdanas ninyo ng mga pagdurusa ni Cristo, magalak kayo, upang kayo ay magalak at matuwa sa pagpapahayag ng kaniyang kaluwalhatian.Awit 34:19
Maraming mga problema ang mga matutuwid, pero sa lahat ng iyon si Yahweh ang nagbibigay ng tagumpay.Ito ang mga talatang madalas balikan ng mga mambabasa sa paksang ito — hindi isang aral tungkol dito. Basahin ang bawat isa sa kabanata nito.
Mga pinagkunan
Ang mga talata ng bawat paksa at ang pagkakasunod-sunod nila: datos ng mga paksa ng OpenBible.info, ayon sa boto ng mga mambabasa: OpenBible.info · CC BY 4.0
Tagalog Unlocked Literal Bible · © Door43 World Missions Community, CC BY-SA 4.0