Tuklasin › Mga ruta › Ang paglalakbay ni Abraham
Mga ruta
Ang paglalakbay ni Abraham
Mula Ur hanggang Canaan · 12 hinto · ≈ 2,730 km sa tuwid na linya
Mga hinto
- 1
UrGen 11:31Kinuha ni Terah ang anak niyang si Abram, si Lot na anak ng kaniyang anak na si Haran, Sarai na kaniyang manugang, asawa ng kaniyang anak na si Abram, at sama-sama nilang iniwan ang Ur ng mga Caldeo, para pumunta sa lupain ng Canaan. Pero sila ay dumating sa Haran at nanatili roon.
- 2
HaranGen 11:31Kinuha ni Terah ang anak niyang si Abram, si Lot na anak ng kaniyang anak na si Haran, Sarai na kaniyang manugang, asawa ng kaniyang anak na si Abram, at sama-sama nilang iniwan ang Ur ng mga Caldeo, para pumunta sa lupain ng Canaan. Pero sila ay dumating sa Haran at nanatili roon.
- 3
ShekemGen 12:6Naglakbay si Abram hanggang sa Shekem sa kakahuyan ng Moreh. Sa panahong iyon ang mga Cananeo ang naninirahan sa lupain.
- 4
BethelGen 12:8Mula roon siya ay lumipat sa bulubunduking bayan sa silangan ng Bethel, kung saan niya itinayo ang kaniyang tolda, na ang Bethel ay nasa kanluran at ang Ai ay nasa silangan. Doon nagtayo siya ng altar para kay Yahweh at tumawag sa pangalan ni Yahweh.
- 5
EhiptoGen 12:10Nagkaroon ng taggutom sa lupain, kaya bumaba si Abram papunta sa Ehipto para manirahan doon, dahil matindi ang taggutom sa lupain.
- 6
BethelGen 13:3Nagpatuloy siya sa kaniyang paglalakbay mula sa Negeb patungong Bethel, sa lugar kung saan naroon ang kaniyang tolda noon, sa pagitan ng Bethel at Ai.
- 7
HebronGen 13:18Kaya binuhat ni Abram ang kaniyang tolda, pumunta siya at nanirahan sa may mga kakahuyan ng Mamre, na nasa Hebron, at doon nagtayo ng isang altar para kay Yahweh.
- 8
GerarGen 20:1Naglakbay si Abraham mula roon patungo sa lupain ng Negeb, at nanirahan sa pagitan ng Kadesh at Sur. Isa siyang dayuhan na naninirahan sa Gerar.
- 9
Beer-sebaGen 21:31Kaya tinawag niya ang lugar na iyong Beer-seba, dahil doon sila kapwa nagsumpaan ng isang kasunduan.
- 10
MoriaGen 22:2Pagkatapos sinabi ng Diyos, “Kunin mo ang iyong anak, ang kaisa-isa mong anak, na iyong minamahal, si Isaac, at pumunta ka sa lupain ng Moria. Ialay mo siya roon bilang handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na ituturo ko sa iyo.”
- 11
Beer-sebaGen 22:19Kaya bumalik si Abraham sa kanyang mga tauhan, at umalis sila at magkakasamang pumunta sa Beer-seba, at nanirahan siya sa Beer-seba.
- 12
HebronGen 23:2Namatay si Sara sa Kiriat Arba, iyon ay, Hebron, sa lupain ng Canaan. Nagluksa at umiyak si Abraham para kay Sara.
Pinagdurugtong ng mga linya ang mga hinto ayon sa ayos ng teksto — hindi alam ang mismong mga daan. Putol-putol: sa dagat. Maputla: hindi tiyak ang lugar.
Bawat tuldok ay ang pinakamalamang na kinaroroonan (OpenBible.info); ang malabong tuldok ay nangangahulugang hindi tiyak ang pagkakakilanlan. Wala sa mapa ang mga lugar na hindi alam ang kinaroroonan.
Mga lokasyon: OpenBible.info Bible Geocoding Data (CC BY 4.0).
Mga balangkas ng lupa: Natural Earth (pampublikong domain).